Construction magnate, mastermind sa kaso ni Que!
ISANG negosyanteng Chinese ang itinuturong mastermind sa kidnap-slays ng steel magnate na si Anson Que o Anson Tan at driver na si Armanie Pabillo. Si mastermind ay isang top official ng Chinese association, at ayon sa kosa ko sa Chinese community, “labas-masok” ng China. Tsk tsk tsk!
Ayaw munang ibunyag ng kosa ko ang pagkakilanlan ni mastermind to give way sa effort ng SITG na itinatag ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na maaresto ito para managot sa kaso nina Que at Pabillo. Kaya bantay-sarado ng PNP at iba pang ahensiya ng gobyerno ang airport, seaport at maging ang Southern backdoor para mabulaga si mastermind. Sanamagan!
Kung sabagay, nangako naman si PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo na kakasuhan na nila si mastermind sa linggong ito kaya maliwanag na may hawak na silang ebidensiya laban dito. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Kilalang pilantropo si mastermind at dahil opisyal siya ng isang Chinese association, palaging nakakasalamuha niya ang mga bigating negosyanteng Chinese.
“Na-identify na ‘yung mastermind….also a high official of a Chinese association,” ayon sa kosa ko sa Chinese community. Hindi naman nagsususpetsa ang Chinese community na kidnapping pala ang raket niya dahil may “front” naman itong negosyo na bigtime construction.
At dahil opisyal siya ng Chinese association, madaling makipagsalamuha sa kapwa niya negosyante si mastermind at ma-pinpoint niya ang kanyang mabibiktima, lalo na ‘yung sangkot sa POGO na sandamukal ang pera.
At ang pagkakamali lang ni mastermind ay ang pagbiktima kina Que at Pabillo kung saan naging seryoso si Marbil na tutukan ang kaso at doon nabulgar ang raket n’ya. Dipugaaa! Gets n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Hindi naman biro ang pag-trace ng SITG kay mastermind dahil gumamit ito ng maraming layer o sistema para hindi siya ma-identify kaagad. Sa pakikipagtulungan ng pamilya ni Que, na-trace ang VIP junket account sa isang casino sa 5-star hotel sa Macapagal Ave., kung saan apat na beses pinadalhan ng P260 milyon na ransom na cryptocurrency.
Pero dahil wais talaga si mastermind, hindi sa kanya ang naturang account, at maaring kakilala lang niya. Sinabi ng kosa ko na na-trace si mastermind, sa tulong ng Interpol ng China, sa pamamagitan ng pag-send niya ng cryptocurrency sa ibang bansa.
Doon kasi lumabas ang tunay niyang pagkakilanlan. Sa account ni mastermind sa China lumanding ang ransom? Kaya’t swak sa banga na si mastermind habang tuma-timing ang PNP at iba pang law enforcement agencies na dakpin siya. Hehehe! Solb na ang kasong ito.
Sa parte naman ng suspect na si David Tan Liao alias Xiao Chang Jiang, Jang Jianmin, at Michael Agad Yung, kasama niya sa Chinese association si Que, subalit hindi pa masabi ng kosa ko kung kilala niya si mastermind. Si Liao, kakilala na si Yang sa Chinese community, ay sumuko matapos maaresto sa Palawan, sina Richardo Austria David alias Richard Tan Garcia, at Raymart Catequesta alias Taba.
“Gun for hire lang talaga si Yang. May nag-utos lang sa kanya pero hindi si mastermind dahil may layer pa. Magaling itong mastermind,” anang kosa ko! Eh di wow! Abangan!
- Latest