^

Punto Mo

Babae sa Australia, pasok sa Guinness World Records sa pinakamalaking koleksiyon ng minion memorabilia!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MAHIGIT 1,000 piraso ng Minion memorabilia ang naipon ng isang ginang sa Australia, dahilan para siya maging Guinness World Record holder sa titulong: “Largest Collection of Minions Memorabilia”.

Unang napanood ni Liesl Benecke ang ­Despicable Me noong 2010 at agad siyang na-obsess sa mga dilaw at cute na ­character na Minions.

Mula sa maliit na figurine, lumawak ang kanyang koleksiyon sa mga poster, stuff toy, keychain, damit, at maging Minion tattoo sa kanyang braso.

“Ang saya nilang panoorin. Kahit may pinagdaraanan ako, napapangiti pa rin nila ako,” sabi ni Liesl.

Dahil sa kanyang pagkahilig sa Minions, nakilala na siya sa tawag na “Minion Lady” sa kanilang opisina, at pati kanyang sasakyan at work desk ay puno ng display na Minions.

Ang kanyang paborito sa mga Minions ay si Stuart at madalas niyang isinasama ito sa road trips kung saan naka-seatbelt pa sa upuan!

May Minions siya mula sa iba’t ibang bansa tulad ng Japan, Italy, U.S., at Singapore. Isa sa pinakapinagmamalaki niya ay ang apat na Swarovski crystal Minions na itinuturing niyang pinakamahalaga sa kanyang koleksiyon.

Bagama’t may world record na siya, hindi pa rin siya titigil sa pangungulekta dahil nagbibigay sa kanya ng kakaibang saya kapag may bagong Minion na naidaragdag sa kanyang koleksiyon.

GUINNESS WORLD RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with