^

Punto Mo

Utak sa kidnap-slay ni Que, tinutukoy na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Hindi na makatulog ng mahimbing itong mga masterminds sa kidnap-slays sa steel magnate na si Anson Que o Anson Tan at driver na si Armanie Pabillo matapos maipa-custody ang tatlong suspects sa kaso. Bakit? Kasi nga mga kosa, dahan-dahan na tini-trace ng PNP, AMLC at iba pang ahensiya ng gobyerno, ang money trail ng P200 milyon na ransom money na ibinayad ng pamilya ni Que.

Hindi makayanan ng PNP itong mag-isa ma-trace dahil ang ibinayad ay sa pamamagitan ng cryptocurrency, sa ilang tranches. Kapag na ’pong’ itong mga masterminds, tiyak maraming kaso pang kidnapping ang malulutas ng pulisya sa liderato ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil. Mismooo! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Inanunsiyo noong Black Saturday ni PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo ang pagsailalim ng custody ng pulisya sa tatlong suspects sa kidnap-slays nina Que at Pabillo sa isang press briefing sa Camp Crame. Kinilala ni Fajardo sina David Tan Liao alias Xiao Chang Jiang, Jang Jianmin, at Michael Agad Yung; Richardo Austria David alias Richard Tan Garcia, at Raymart Catequesta alias Taba.

Sina David at Catequesta ay inaresto sa Palawan, samantalang si Liao ay sumuko sa pulisya. Ayon kay Fajardo, ikinanta ng tatlo ang kanilang partisipasyon sa kidnap-slays nina Que at Pabillo. Kinasuhan sila ng two counts of kidnapping for ransom with homicide sa Department of Justice. Beehhhhh buti nga!

Nakita ang bangkay nina Que at Pabillo sa gilid ng kalsada sa Rodriguez, Rizal at nakumpirma ng pulisya ang kanilang pagkakilanlan, ayon kay Col. Randolf Tuaño, ang PNP public information officer (PIO).

Bumuo kaagad si Marbil ng Special Investigation Task Force at nagsama-sama sina CIDG director Maj. Gen. Nicolas Torre III, ACG director Brig. Gen. Bernard Yang at AKG director Col. David Poklay para lutasin ang kaso. Mabuhay kayo Sirs! Dipugaaa! Gimik-gimik lang talaga!

Sa backtracking ng CCTV footages, natuklasan na si Que ay nagsadya, sakay ng kanyang Lexus sa Bgy. Langka, Meycauayan, Bulacan noong Marso 29 sa imbistasyon ng isang babae. Unang pumasok sa bahay si Que kung saan kinumander na ito at pagkatapos ay si Pabillo. Kinabukasan, nakatanggap ang pamilya ng $20 million ransom sa pamamagitan ng apps na WeChat.

Ayon kay Fajardo, nagbayad ng aabot sa P200 milyon ang pamilya ni Que, subalit pinatay pa ang mga ito. Ang kaso ay planado na noon pang Enero, ayon kay Fajardo, at ang pakay talaga ay patayin si Que. Ayaw pang sabihin ni Fajardo ang tunay na motibo dahil sa pakiusap ng pamilya ni Que. Kung sabagay, darating din tayo riyan, di ba Col. Tuaño Sir? Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Maliban sa babae, may isang pang suspect na kasama ng tatlo at dalawang “Chinese principals” ang hinahabol ng SITG. Bilang na rin ang mga araw nila dahil kilala na sila. Sumuko na kayo nga kolokoy, at gayahin n’yo si Liao, at baka “manlaban” pa kayo. Araguyyy! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Pinapurihan naman ni Marbil sina Torre, Yang at Poklay sa maagang paglutas ng kaso. Kinilala naman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang masisipag na miyembro ng SITG na aktibong lumahok sa paglutas ng kidnap-slay. Ayon sa VACC, “Ang kanilang walang pagod at pagsusumikap sa likod ng eksena ay nagbunga ng mahahalagang paunang resulta.” Ayon pa sa VACC, ang paglutas ng kaso ay makatutulong sa pagpanumbalik ng tiwala at kumpiyansa ng publiko sa PNP. Abangan!

ANSON QUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with