^

Punto Mo

Bookstore sa U.S. na may MaHIGIT 9,000 libro, pinagtulungang ilipat ng 300 residente!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang makulay at kakaibang tanawin ang nasilayan sa Chelsea, Michigan, U.S.A. matapos magsagawa ng bayanihan ang mahigit 300 residente para tulungang ilipat ang nilalaman ng isang bookstore kung saan isa-isang inabot ang libu-libong aklat sa pamamagitan ng human chain.

Ang Serendipity Books, isang independent bookstore na pag-aari ni Michelle Tuplin, ay lumipat sa ibang lokasyon na nasa humigit-kumulang 350 talampakan ang layo mula sa ­dating lokasyon nito.

Sa halip na gumamit ng moving service, nanawagan si Tuplin ng mga volunteers at hindi siya nabigo.

Lumahok sa aktibidad ang halos 300 katao at isang aso. Isa-isang ipinasa ang 9,100 na mga aklat mula sa kamay ng isang volunteer papunta sa susunod hanggang sa makarating ito sa bagong puwesto ng bookstore.

Hindi umabot ng dalawang oras ang buong proseso ng paglilipat ng mga libro, isang patunay na ang pagkakaisa ay may kapangyarihang gawing magaan ang mabigat na gawain.

Ayon pa kay Tuplin, makikita ang malawak na partisipasyon mula sa iba’t ibang ­henerasyon. Isa sa mga volunteer ay isang 91-anyos na lola na suki sa bookstore, mayroon ding parents na kasama ang anim na taong gulang nilang anak.

Sa panahon kung saan ang teknolohiya at online shopping ang madalas pinipili, isang paalala ang pangyayaring ito na ang mga lokal na tindahan ay hindi basta negosyo lang, kundi bahagi ng isang komunidad.

BOOKSTORE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with