^

Punto Mo

Grupo sa Texas, 36 na oras naglaro ng pickleball para sa Guinness World Record

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NOONG Sabado (Abril 12), isang grupo ng apat na manlalaro sa Texas ang nagtangka na makapagtala ng bagong Guinness World Record sa titulong “Longest marathon playing pickleball (doubles)”.

Ang team na tinatawag na The Pickle Breakers, na binubuo nina Chong Kim, Jaret Petras, Laura Maala, at Geneva Olson, ay nagsimula ng kanilang marathon session ng 6:00 ng umaga sa Pickler Universe sa Carrollton, at nagtapos kinabukasan ma­tapos ang 36 na oras ng walang patid na laro.

Ang previous record ay 34 hours, 5 minutes, and 55 seconds na naitala sa United Kingdom noong September 2024.

Isinumite na ng grupo ang kanilang ebidensya at kasalukuyang isinasailalim sa beripikasyon ng Guinness World Records.

Ang pickleball ay isang raket sport na pinaghalong tennis, badminton, at ping-pong. Nilalaro ito sa court na kasinglaki ng badminton court, gamit ang paddle na gawa sa kahoy o compo­site materials, at isang plastic ball na may butas-butas (katulad ng wiffle ball).

Maliban sa world record, nakalikom din ang grupo ng higit $18,000 para sa Taylor’s Gift Foundation, isang non-profit na organisasyong tumutulong sa mga pamilyang nag-donate ng organs ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Ayon kay Mark Olson, asawa ni Geneva, personal ang dahilan sa likod ng pagsali ng kanyang misis sa proyekto. Bukod sa suporta sa adbokasiya ng Taylor’s Gift Foundation, layunin din nitong magsilbing inspirasyon sa kanilang apat na anak na babae.

“Gusto niyang patunayan sa mga anak naming babae na kaya nilang abutin ang kahit anong gusto nilang gawin,” sabi ni Olson.

Ang The Pickle Breakers, na binubuo nina Chong Kim, Jaret Petras, Laura Maala, at Geneva Olson na naglaro ng 36 na oras na walang tigil.

GUINNESS WORLD RECORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with