^

Punto Mo

Pulitika, nakaaadik na, nakababaliw pa!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

INIHAHALINTULAD ng mga Die-hard Duterte ­Supporters (DDS) ang kalagayan ngayon ni dating President Digong Duterte sa naging kapalaran ng namayapang si Senador Benigno “Ninoy” Aquino.

Gusto na ba nilang yumao na rin si Digong?

Ang mahinhin at relihiyosang si Corazon “Cory” Aquino ang nagpatuloy ng laban ni Ninoy hanggang ang puwersa ng mamamayan sa EDSA ang nagtapos nang diktaturya ni Ferdinand Marcos Sr. Ang lahat ay naging isang alamat na lamang.

Sino kaya kina Elizabeth Zimmerman at Honeylet Avanceña ang puwedeng sumunod naman sa anino ni Cory Aquino?

Naku! Kakaibang alamat na ‘yan.

Nakabalik ang mga Marcos sa Malacañang sa pamamagitan ng pinagsosyohang puwersa ng Marcos at Duterte (UniTeam) pero hindi maganda ang naging chemistry nina Bongbong at Sara. Nagkagulangan agad.

Ang mga sulsol at bulong ng mga palsipikadong henyo sa pulitika na tuluyang gumiba sa UniTeam nina Bongbong at Sara hanggang maibulalas na tuloy ni Digong ang katagang, “bangag ang Presidente!”

May alam kaya sa totoong dahilan si Manang Imee?

Nagsimula ang mga negatibong isyu sa loob ng Palasyo nang sibakin si Atty. Vic Rodriguez bilang Executive Secretary kasunod ang pagsibak kay Press Secretary Atty. Trixie Cruz Angeles. Anong misteryo kaya ang ginawa ng dalawa?

Ang pagdistansiya ni Manang Imee sa liderato ng kapatid na si Bongbong ay malalim na palaisipan sa mamamayan.

Nasangkot na rin si Atty. Sal Panelo na nagmungkahing maghain din ng impeachment complaint laban kay Bongbong si Manang Imee. Nagmungkahi pa diumano si Panelo na magpa-DNA test si Manang Imee. Hoyyy! Ano ‘yan?

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with