^

Punto Mo

EDITORYAL — Dakpin, killer ng Slovakian tourist

Pang-masa
EDITORYAL — Dakpin, killer ng Slovakian tourist

HANGGANG sa kasalukuyan, wala pang ­naaaresto ang pulisya sa Malay, Aklan, kaugnay sa panggagahasa at pagpatay sa 23-anyos na Slovakian tourist na si Michaela Mickova. Ayon sa pulisya dalawang tao ang tinitingnan nilang nasa likod ng karumal-dumal na krimen. Ang mga ito umano ang nakitang kasama ng biktima. Maliban doon, wala nang iba pang malinaw na development sa kaso. Mabagal ang pulisya sa paglutas ng krimen. Kamakalawa, kinumpirma ng pulisya na ginahasa ang biktima at saka pinatay sa pamamagitan ng pagpukpok sa ulo.

Natagpuan ang biktima sa isang abandonadong chapel hindi kalayuan sa tinutuluyang hotel. Ayon pa sa pulisya, tatlong araw na umanong nawawala ang dayuhan. Dumating ito sa bansa noong Marso 1 para dumalo sa kasal ng isang kaibigan.

Ang Boracay ang paboritong puntahan ng mga dayuhan dahil sa nakaaakit na puting buhangin at malinis na dagat. Halos lahat ng mga dayuhan kapag tinanong kung saang lugar sila pupunta sa Pilipinas, sa Boracay daw. Pangalawa na lamang ang Palawan, Siargao, Bohol, Puerto Galera at iba pang tourist destination.

Kaya nang ipasara ang Boracay noong Abril 2018 sa utos ni dating President Rodrigo Duterte, nawalan ng pinagkakakitaan ang mga taga-Boracay. Ipinag-utos ang pagpapasara dahil sa masamang amoy ng tubig na galing sa mga establisimento sa paligid ng resort. Inilarawan ni Duterte ang Boracay na isang “cesspool”.

Nakasisira umano sa ecosystem ng isla ang sewerage problem. Masama aniya ang amoy ng tubig ng Boracay dahil sa mga  lumalabas na basura. Isinara ang Boracay sa loob ng anim na buwan. Noong Oktubre 2018 muli itong binuksan sa publiko pero naghigpit na sa mga nagpaparuming establisimento. Isinaayos ang sewage system.

Nagdagsaan ang mga turista makaraang buksan ang sikat na beach resort. Bumalik ang sigla ng mga dayuhan. Sabik na tinungo ang Boracay at ninamnam ang ganda, kaayusan at katahimikan ng lugar.

Sa nangyaring krimen sa Boracay na isang dayuhang turista ang biktima, malaking kasiraan ito sa sikat na beach resort. Maraming matatakot sa kanilang kaligtasan. Tiyak na magdadalawang-isip ang mga dayuhan kung itutuloy pa ang pagbabakasyon sa Boracay. Kaysa mabiktima ng mga masasamang loob, sa ibang bansa na lamang pupunta na tiyak ang kaligtasan.

Bilisan ng PNP ang pag-aresto sa mga killer at iharap sa husgado. Litisin at kapag napatunayan ay ikulong nang habambuhay.

Magkaroon naman ng 24-oras na pagpapatrulya ang mga pulis sa nasabing beach resort upang matiyak ang kaligtasan ng mga dayuhang turista at iba pa habang nagbabakasyon.

CRIME

KILLER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with