^

Punto Mo

Gen. Morales, huhubugin ang PAF personnel at recruits!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HUHUBUGIN ni Maj. Gen. Nelson Morales, bagong commander ng Air Education, Training and Doctrines Command ng Philippine Air Force ang pagkatao at pangangatawan ng PAF personnel at recruits upang magampanan nila ang nakaatang na trabaho—ang protektahan ang teritoryo ng Pinas tungo sa ika-uunlad ng bansa.

“This is where we will mold the personnel of the PAF. All of them will start here,” ayon sa misyon ni Morales. Ang AETDC mga kosa ay nakabase sa Lipa City sa Batangas kung saan matatagpuan ang PAF Flying School at ang recruitment at training ng PAF non-commissioned officers.

At nasa tamang landas si President Bongbong Marcos, ang commander-in-chief ng AFP, na i-assign si Morales doon, nang sa gayon maisakatuparan nito ang mandato na palakasin ang kaalaman at training ng mga Air Force personnel bago sila isabak sa pagdepensa ng Pinas laban sa terrorist o outside threat. Mismooo! Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa totoo lang, si Morales ay nailipat na sa AETDC noong pang February 24 matapos ang isang tahimik at simple turnover ceremony. Mukhang wala namang naimbitahan na guests! Sanamagan!

Pinalitan n’ya ang kaklase sa Philippine Military Academy (PMA) Class ’93 na si Maj. Gen. Eric Gatchalian. Kaya lang na-retain si Morales na commander ng Presidential Security Command (PSC) habang wala pang nakitang papalit sa kanya.

Noong Lunes, nilisan ni Morales ang PSC at pinalitan siya ni Army Brig. Gen. Peter Burgonio. Hayan mga kosa ha, maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi sinibak si Morales kundi napabilang siya sa normal reassignment sa AFP. Dipugaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kung tutuusin, hindi demotion ang nilapagan ni Morales na command, ayon sa mga kosa ko, kundi promotion. Dito sa AEDTC hindi naman apektado o bumaba ang career pattern ni Morales imbes na boost pa ito dahil nakadukhang na siya sa pagiging PAF chief. Owww! Kung sabagay, kandidato na si Morales ng nagdaang search for PAF chief kaya lang naitsapuwera siya dahil maraming senior officers ang kanyang lalampasan. Better luck next time sir!

Sa ngayon, naka-focus lang si Morales sa pag-train ng mga piloto ng Air Force sa PAF Flying school at sa pag-recruit at training ng mga sundalo. Kailangan kasing palakasin ng Pinas ang kanyang Air Force dahil sa mainit na sigalot sa West Philippine Sea.

Kasama na rito ang paghubog sa training ng mga recruits para malabanan nila ang init at lamig kapag na-assign sila sa mga liblib na lugar o makipaglaban sa mga terorista at outside forces, di ba mga kosa? Dipugaaa! Ano pa ba ang bago r’yan?  Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang talaga!

Pagka-graduate niya sa PMA, pinili ni Morales na mag-join sa Air Force at kumuha kaagad ng undergraduate course na Pilot Training Course sa PAF Flying School kung saan nakamtan niya ang Military Pilot Wings noong 1995.

Hindi pala bago kay Morales ang PAF Flying school, ‘no mga kosa? Bago siya maging PSC commander, na-assign si Morales sa 205th Tactical Helicopter Wing kung saan nagpalipad siya ng helicopters sa mga combat missions sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Naging bahagi rin siya ng 250th Presidential Airlift Wing at naging piloto ng mga Presidenteng sina Erap Estrada at Gloria Macapagal Arroyo. Sa PSC na naging two-star general si Morales. Hindi bibiguin ni Morales si BBM sa bago niyang assignment! Abangan!

PHILIPPINE AIR FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with