^

Punto Mo

Dinastiya at kamoteng pulitika, ang bumabarubal sa ekonomiya

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

PAMPAMILYA na ang galawan sa pulitika ng ating bansa. Pansariling kapakanan lamang at hindi ang pag-angat ng nakararami ang itinataguyod.

Nakapanghihinayang ang talino ng ating mga kababayan na hindi nabibigyan ng puwang para makapagserbisyo sa bayan, dahil lamang sa kakapusan ng popularidad at budget.

Mas ginugusto ng mga naghaharing pamilya sa pulitika ang makitang naghihirap ang naka­paligid sa kanila upang magmukha silang manunubos sa abang kalagayan ng kanilang nasasakupan.

Unti-unting nilusaw ng pulitika ang pagiging malikhain ng isang Pilipino dahil pilit na ibi­nabaling ng mga pulitiko na sila lamang ang pag-asa ng taumbayan. Hindi nila ikinahihiya ang katotohanang ang lakas sa likod ng kanilang tagumpay ay binili lamang. 

Ang pagsasalin ng liderato sa kaanak ay epektibo sa lokal na pamahalaan lalo pa’t may patunay na umasenso ang pamayanan sa ilalim ng kanilang pamamahala, pero hindi naging patunay ito na epektibo silang maging senador o Presidente.

May mga senador at kongresista tayong mga anak ng dating Presidente na kinulapol na ng isyu ng korapsiyon pero nananalo sa eleksyon. Nakasanayan na lang ng supporters nila na isiping nagbabawi lang ng ginastos sa eleksiyon ang idol nila. Nakakaparte naman daw sa ayuda. Utak bigas, noodles at delata?

May ilang kumakandidato ngayong senador ang walang muwang sa pag-ugit ng batas o pruweba sa public service. Popularidad lamang sa showbiz ang puhunan na ang iba ay popular pa sa pagiging imoral. Komedya na talaga kapag nanalo pa sila.

Iilan lamang ang katulad ni dating Quezon City Mayor at House Speaker Feliciano “SB” Belmonte Jr. Dahil sa kanya, umasenso ang QC na walang naiwang bahid ng katiwalian sa panunungkulan. Sayang na presidentiable si “SB”, di ba?

Sa idaraos na candidates forum na may “debate”. Abangan natin kung sino ang senatoriables ang magmumukhang bulok na kamote!

POLITICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with