^

Punto Mo

Puwede bang habulin sa inutang ng iba

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Tatlo po kaming umutang para sa itatayo naming tindahan na magkakasosyo po kami. Ang tanong ko, puwede ba akong habulin sa halagang inutang ng mga kasama ko? Magkakaiba kasi ang halaga ng mga inutang namin at mas malalaki po ang mga hiniram nila kaysa sa akin. — Grace

Dear Grace,

Depende iyan sa kontrata na pinirmahan ninyo noong nangutang kayo. Ipagpapalagay ko na nakapaloob ang pag-utang n’yong tatlo sa iisang kontrata kaya ka nagtatanong kung maari ka bang singilin para sa mga halagang hiniram ng mga kasama mo.

Ang mahalagang gawin ay basahin mo ang naging kasunduan ninyo ng lender at tingnan mo kung ang mga katagang “solidarily liable” o “jointly and severally liable” ay makikita sa kontrata.

Kung mayroon kasing “solidarily liable” o “jointly and severally liable” sa kasunduan, malamang na maari kang habulin ng lender para sa inutang ng iyong kaibigan.

Madalas ay ang mga katagang “solidarily liable” o “jointly and severally liable” ang ginagamit upang isaad na maaring habulin ang kahit isa lamang sa mga nakapirma sa kasunduan upang siyang papanagutin at pagbayarin para sa kabuuang halaga ng inutang.

Kung wala naman ang mga katagang nabanggit ay maaring hindi ka pagbayarin ng buong halaga ng inutang dahil upang ikaw ay mahabol para sa kabuuang halaga ng utang, kailangang tahasang nakalagay ito sa kontrata. Hindi kasi agarang ipagpapalagay na may solidary liability pagdating sa mga obligasyon o pananagutan.

May solidary liability lamang kung tahasan itong nakalagay sa kontrata katulad ng sinabi ko; kung ito ay itinakda ng batas; o kung iyon ang likas na katangian ng nasabing obligasyon. Wala ka namang nabanggit para masabing itinakda ng batas o kaya’y likas sa kasunduan ninyo ang pagkakaroon n’yo ng solidary liability para sa inutang ninyo. Ibig sabihin, kung walang sinasabi ang kontrata ninyo ukol sa solidary liability ay hindi ka maaring papanagutin para sa mga obligasyon ng mga kasama mo.

GRACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with