Kartada ni Digong at Sara, joker lang ang panabla
ISANG katangian ni dating Presidente Digong Duterte ang mapalundag sa kinauupuan ang nakikinig dahil sa mga kuwento niyang may kapantasyahan kahit sa mga pormal na pagtitipon.
Bukambibig na niya ang salitang “papatayin kita” o “papatayin ko kayo” kapag ang usapin ay may kinalaman sa illegal drugs, corruption, at hot pursuit police operations. Ngayon siya sinisingil!
Kung totoo ang mga testimonyang pinirmahan nina Edgar Matobato at Arturo Lascañas na mga dating miyembro ng diumano’y Davao Death Squad, magpapatunay ito na talagang kayang gawin ni Digong ang pumatay at magpapatay.
Makailan nang pinasinungalingan at ipinagtanggol nina dating Presidential Spokepersons Atty. Sal Panelo at Harry Roque na “palipad hangin” lamang daw na salita ito na parang ordinaryong sangkap lang na nabibigkas ni Digong. Hyperbole lang naman daw ‘yun. Ganun?
Kahit sa senate at congressional hearings ay inaamin ni Digong na may mga pag-uutos itong ginawa sa kapulisan na pumatay noon ng illegal drug offenders sa Davao, at piliting lumaban kung kinakailangan. May sabit talaga!
Sa “birong ganti” ni Digong na kung sakaling matalo ang PDP-Laban senatorial slate sa May, nakapagbitiw ito ng katagang “patayin ang 15 senador at pasabugin ang senado”. Paano kung may mauto?
Malaking danyos ito kung pahintulutan ni Presidente Bongbong Marcos ang International Criminal Court (ICC) para arestuhin si Digong dahil sa extrajudicial killings sa bansa. Umaamin naman di ba?
Pinagtatalakayan kung posible bang maisusulong ang kauna-unahang “VP impeachment trial” kahit naka-recess ang senado. Kumporme siyempre sa kalagayan, he he!
Napakasaklap naman kung sa panahon ng impeachment trial ni Sara ay sumabay naman ang Warrant of Arrest ng ICC kay Digong.
- Latest