^

Punto Mo

Baka sa Brazil, nakapagtala ng world record matapos maibenta ng milyones na halaga!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG baka sa Brazil ang nakapagtala ng Guinness World Records matapos itong maibenta sa halagang 26 million Brazilian real (humigit-kumulang P280 million) sa isang auction sa Minas Gerais.

Ang baka, na pinangalanang Viatina-19, ay isang Nelore breed at tumimbang ng 1,101 kilo, doble sa karaniwang bigat ng ganitong uri.

Dahil sa pambihirang sukat at kalidad, ito na ang pinakamahal na baka na naibenta sa kasaysayan.

Bukod sa laki at bigat, si Viatina-19 ay kinilala rin dahil sa pambihirang breed nito. Mayroon itong maganda at malakas na pangangatawan at kaya nitong makatagal sa napakainit na klima.

Dahil sa natatanging genetic makeup nito itinanghal siyang “Miss South America” sa isang prestihiyosong kompetisyon ng mga baka.

Dahil dito, tumaas ang demand para sa kanyang embryos, na ginagamit sa breeding programs sa iba’t ibang bansa.

Ang Nelore breed ay nagmula sa India at kilala sa kakayahang mabuhay sa mainit na kapaligiran.

Dahil dito, ito ang ­pangunahing lahi ng baka sa Brazil at patuloy na ­lumalawak ang pag-aalaga nito sa iba’t ibang bansa tulad ng Argentina, Mexico, at United States.

Sa patuloy na pagtaas ng demand sa breed na ito, hindi malayong magkaroon pa ng mas mataas na bentahan sa hinaharap.

BRAZIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with