^

Punto Mo

EDITORYAL — Mataas na bilihin mabigat na pasanin

Pang-masa
EDITORYAL — Mataas na bilihin mabigat na pasanin

TAAS-BABA ang presyo ng petroleum products. Bababa bukas ang gasoline pero tataas sa susunod na linggo. Babawiin ang tinapyas. Sa pagtaas ng petrolyo, nanawagan ang transport groups sa pagtaas ng pamasahe. Halos wala na raw naiuuwi sa ­pamilya ang kinikita sa pamamasada dahil sa pagtaas ng diesel. Suhestiyon ng ilang grupo, kung hindi itataas ang pasahe, suspendihin ang excise tax sa petrolyo para bumaba ang gasolina, diesel at kerosene. Wala namang tugon ang pamahalaan sa suhestiyon na ito na noon pa pinanunukala.

Ang presyo naman ng mga pangunahing pangangaila­ngan at bilihin ay inaprubahan na ng Department of Trade and Industry (DTI). Inilathala na sa mga pahayagan ang bagong suggested retail price (SRP) ng mga bilihin.

Ang mga pangunahing pangangailangan na nagtaas ng presyo ay ang mga sumusunod: sardinas, gatas, kape, noodles, tinapay, luncheon meat, meat loaf, corned beef, beef loaf, asin, bottled water, kandila, sabon, at battery.

Noong nakaraang linggo, inaprubahan ang House Bill No. 11376 na nagtatakda ng P200 across-the-board daily wage increase para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Pero hindi pa man lubusang naipatutupad, marami na agad ang kumukontra sa wage increase. Unang-una na ang pribadong kompanya. Hindi raw kakayanin ang P200 na dagdag sa minimum wage. Marami raw ang magsasarang kompanya kapag ipinatupad ito. Hindi raw makatwiran ang ganitong pagtataas na ang kompanya naman ang magdaranas ng hirap.

Kaya wala pang nakikitang liwanag ang mga manggagawa sa pribadong sector. Walang kasiguruhan kung ang HB 11376 (Wage Hike For Minimum Wage Workers Act) ay maipatutupad o magiging bangungot. Ganunman, marami pa rin ang umaasa na maipagkakaloob ito para matugunan ang pagtaas ng mga pangunahing pangangailangan.

Sa report ng IBON Foundation noong 2024, ang minimum wage sa mahigit 17 rehiyon ng Pilipinas ay kulang na kulang para matustusan ang pangangaila­ngan ng bawat pamilya para sa kanilang pagkain at iba pang pangangailangan.

Sa nangyayaring ito na hindi na mapigilan ang pagtaas ng mga bilihin, ang pamahalaan siyempre pa ang napagbubuntunan ng sisi. Walang ginagawa ang kasalukuyang pamahalaan para mapagaan ang bigat na dinadala ng mga karaniwang Pilipino. Hindi lubusang nagagampanan ng Marcos administration na makontrol ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

Kailan mararamdaman ng mamamayan ang sinasabing pagbaba ng bigas at iba pang pangangaila­ngan? O ito ay bulaklak lamang ng dila?

INFLATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with