^

Punto Mo

Asong skateboarder, nakapagtala ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG asong may kakaibang talento ang pumukaw sa atensiyon ng publiko matapos nitong makapagtala ng Guinness World Record sa skateboarding!

Si Coda, isang cocker spaniel mula sa Japan, ay dumaan sa ilalim ng mga binti ng 40 katao habang sakay ng skateboard. Ang record-breaking na tagpo ay naganap sa set ng Italian TV show na Lo Show Dei Record.

Tinalo ni Coda ang ­dating rekord na 33 katao, na itinakda ng isa ring aso mula Japan na si Dai Chun noong 2017.

Ang may-ari at tagapagsanay ni Coda na si Satomi Asano ay isang professional dog trainer.

Layunin niyang sanayin ang mga alagang aso gamit ang positibong pag-uugali at iwasan ang anumang parusa o negative ­reinforcement sa training.

Patunay si Coda na hindi lang tao ang ­kayang magpasikat sa mundo ng extreme sports dahil kahit mga aso ay may ibubuga rin!

GUINNESS WORLD RECORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with