^

Punto Mo

‘Paihi’ operation sa Batangas, ni-raid ng CIDG!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HAPPY birthday PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil Sir! Congrats to your extension.

• • • • • •

Ang main target ay cigarette smuggling, subalit ang nasapol ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group at mga ahensiya ng gobyerno ay ang malawakang “paihi” operation sa Batangas.

Nasorpresa sina Charles Chan, 29, at Hong Zhu Chaon, 47, na kilala sa Filipino name na Donato Ang, nang salakayin ng CIDG, Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue ang kanilang kuta sa Subukin Port, Bgy. Subukin, San Juan, Batangas noong Pebrero 4.

Naaresto pa ang 24 katao, kabilang na ang mga kapitan ng barko at driver ng mga hauling trucks na ginagamit sa “paihi” operations. Nakumpiska rin ang umaabot sa 200,000 liters ng gasoline na nagkakahalaga ng P12 milyon. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi ni CIDG director Brig. Gen. Nicolas Torre III na ang police operation ay alinsunod sa kahilingan ng BOC dahil sa report na ang pantalan ay ginagamit sa smuggling ng sigarilyo at iba pang highly dutiable goods.

Kaya naman napasok ang BIR dahil hindi nagbabayad ng tamang buwis ang mga kontrabando. Kaya lang, sa kasagsagan ng operation, natuklasan na ang lugar ay ginagamit nina Chan at Chaon sa pagbebenta ng smuggled na petroleum products.

Dapat kilatisin ni Torre  si Batangas PD Col. Jack Malinao kung sino ang nakapatong sa “paihi” operation nina Chan at Chaon. Araguyyy! Anong sey n’yo mga kosa?

Ganito kasi ang operation ng oil smuggling o “paihi” mga kosa? Gamit ang barko, mamimili ang financier ng extrang gasoline sa murang halaga sa mga barko na nakaparking sa dagat, kung minsan sa abroad pa. Iniimbak nila ito sa Subukan port. 

Kaya kasama sa inaresto sina Romeo Abrigo, 62, chief of M/T Feliza; Edilberto Mogro, 67, pumpman; Ruel Alburo, 35, tanker; Ernesto Ramos Jr., 65, quarter master; Mario Padilla, 54, chief mate; Cesar Calipoy, 70, captain; Floristo Abon, chief engineer; Niño Ofquera, 32, helper/loader; Joel Garcia, oiler, at Herman Punsalan, 46, oiler.

Kapag may gustong bumili ng produkto nila, ang kakausapin ay si Eddie Edillo, 50, ang tinatawag na spotter ng illegal trading of petroleum products. Ang sakit sa bangs nito!

Ang mga smuggled oil products ay kinakarga sa mga truck para ideliber sa mga buyers, na ibinebenta naman sa mas mababang presyo ng mga legal oil companies tulad ng Shell, Caltex at Petron. Maliwanag na economic sabotage ito, di ba mga kosa kong taga-BIR?

Kaya kinumpiska rin ng mga raiders ang HOWO trailer truck (NEV 9598); HOWO truck (NGU 2835); Shackman truck (NDI 9537); Isuzu tanker truck (NIC 8178); HOWO truck (NKJ 8147); Isuzu truck (NDQ 9861); Straight tanker truck (NGA 3262); Straight tanker truck (XEU 406); Isusu tanker truck (NDQ 600); HOWO truck (NKK 9599) at Isuzu truck (CBA 5933). Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Isinisigaw naman nga kosa ko na ang “paihi” operations sa Subukin Port sa San Juan ay dating balwarte ni Don King alyas Dondon Alahas. Eh di wow! Mukhang hindi nakalatag si Dondon Alahas dahil hindi sila nagkasundo ng kanyang kausap na taga-Customs. Sa lingguhang payola kaya?

Mukhang nakalimutan din ni Chan magpaalam sa mga “siga.” Dipugaaaaa! Anong sey nyo mga kosa? Sa ngayon, ang primary suspect na nagpa-raid sa “paihi” operation ay si Dondon Alahas. Abangan!

CIDG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with