(PART 10)
ITINODO ko ang pagko-concentrate habang nakapikit at nakasalampak sa ilalim nang malagong puno ng kawayan. Sa tindi ng konsentrasyon ay may butil-butil ng pawis sa aking noo at braso. Pati ugat sa aking kamao ay naglitawan sa sobrang konsentrasyon.
Hanggang sa makarinig ako ng tawag.
Tinatawag ang pangalan ko!
“Anjo! Anjoooo! Anjooooo!’’
Boses ni Benjo yun!
Hindi ako maaaring magkamali.
Pero ipinasya kong huwag sumagot. Naalala ko ang sinabi ni Lolo Indo na may pagkakataong ginagaya ang boses para makapanglansi.
Ang “nilalang” na naglalaro sa akin ay maaring gayahin ang boses ng mga kasamahan ko.
“Anjo si Benjo ito! Kung nasaan ka man, lumabas ka. Naghihintay kami. Kasama namin ang isang albularyo.”
Nabuhayan ako ng loob.
Si Benjo nga ang tumatawag sa akin at may kasamang albularyo.
Tumayo ako mula sa pagkakasalampak.
(Itutuloy)