MULING nakatanggap ang card designer na si Rob Hallifax ng Guinness World Record, dahil sa pinakamalaking baraha na kanyang ginawa.
Ang kanyang King of Hearts na baraha ay may sukat na 3 meters x 2.02 meters, mas malaki kaysa sa naunang rekord na 2.87 metro na naitala noong 2020. Ito ang pangalawang Guinness ni Rob matapos niyang magawa ang pinakamaliit na mga baraha
Ang disenyo ng baraha ay isang photo mosaic na binubuo ng 3,432 selfies ng mga sumuporta sa proyektong ito ni Rob. Sa malayo, mukha itong karaniwang King of Hearts, ngunit sa malapitan, makikita ang mga selfies at ng larawan ng kanyang alagang hayop.
Kinailangan ni Rob ng espesyal na ultra-large format printer upang maimprenta ang baraha sa mataas na resolusyon. Ang laki at bigat nito ay naging hamon din sa transportasyon at pag-display.
Sa kasalukuyan, naka-display ang baraha sa opisina ng Guinness World Records sa London, kasabay ng selebrasyon ng Guinness World Records Day 2024.
Ang tagumpay ni Rob ay muling nagpapatunay ng kanyang dedikasyon sa sining ng paggawa ng baraha.