Batang magician na tinaguriang ‘real-life Harry Potter’, nakatanggap ng Guinness World Record!

Isang 15-anyos na magician mula Ireland ang nakapagtala ng world record matapos itong makapagtanghal nang maraming magic tricks sa maikling oras!

Kinumpirma ng Guinness World Records na si Cillian O’Connor ang pinakabagong record holder ng titulong “Most Magic Tricks Performed in One Minute (under 16)”.

Ito ay matapos siyang makapag-perform ng 28 magic tricks sa loob ng isang minuto. Ilan sa magic tricks na ginawa niya ay pagpapa-disappear ng isang magic wand at pagpapalit ng kulay dalawang pirasong tela.

Nakuha ni Cillian ang tawag na “real-life Harry Potter” matapos siyang lumaban bilang contestant ng talent show na “Britain’s Got Talent” kung saan naging third placer siya sa grand finals ng Season 16 nito.

Show comments