Bayan sa Mexico, nagluto ng 30,000 tacos para sa Guinness World Records!
NAKAPAGTALA ng world record ang isang bayan sa Mexico matapos silang makapagluto ng mahigit 30,000 tacos na may iba’t ibang flavors.
Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na ang bayan ng Tlaxcala ang pinakabagong record holder ng titulong “The Largest Display of Taco varieties Served in One Location” matapos silang makapagluto ng 30,000 tacos na may 186 flavors.
Naganap ang record breaking attempt sa Paseo de la Reforma kung saan nagtulung-tulong ang 150 na mga chefs para magluto ng tacos. Ilan sa mga flavors ng tacos na kanilang inihain ay Chicharrones, Potato, Beans at Adobo. May mga kakaibang kombinasyon din tulad ng Potato with Sausage and Cactus.
Ayon sa tourism secretary ng Tlaxcala, ginawa nila ito upang makilala ang kanilang lugar bilang isang gastronomic, tourist and cultural destination.
- Latest