^

Punto Mo

EDITORYAL - Ibalik ‘naglahong’ quality ng ­edukasyon

Pang-masa
EDITORYAL - Ibalik �naglahong� quality ng ­edukasyon

NANGUNGUNA noon ang mga Pilipinong high school students sa pakikipagkumpetensiya sa mga estudyante sa mga bansang Asyano sa larangan ng Science at Math. Nag-uuwi sila ng mga medalya at nagbibigay ng kara­ngalan sa bansa. Kahit ang mga estudyanteng Pinoy sa elementarya ay nakikipagpaligsahan at nangunguna sila. Hindi nangungulelat noon ang mga Pilipinong estudyante.

Pero ngayon, kabaliktaran ang nangyayari sapagkat nangungulelat ang mga Pilipinong estudyante sa high school. Nakadidismaya na maraming junior high school students ang hindi nakaabot sa required proficiency levels. Kalahati sa junior high school students ay bagsak. Ayon din sa report, kalahati ng grade 6, 10 at 12 students ay bumabagsak.

Nakadidismaya ang resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA), ang mga Pilipino students ay nakakuha lamang ng 355 points sa math, 356 sa science at 347 sa reading. Para makapasa, kailangang ang score ay: 472 sa math; 485 sa science at 476 sa reading. Masyadong mababa ang nakuha ng mga Pilipinong estudyante kumpara sa mga estudyante ng Singapore, Hong Kong, Japan, Korea, Macao, Ireland, Estonia, Japan at Chinese Taipei na mataas ang nakuhang puntos.

Bagsak din ang Pinoy students sa creative thinking assessment na isinagawa rin ng PISA noong 2022. Ikalawa sa kulelat ang mga estudyanteng Pinoy sa 64 na bansang sumailalim sa PISA assessment.

Ang kahinaan ng mga estudyante ang nagtulak kay DepEd Secretary Sonny Angara para magsagawa ang mga eskuwelahan ng examinations na katulad ng PISA. Ito ayon kay Angara ay para masubukan ang kaalaman ng mga estudyante sa problem solving at reading comprehension. Ayon kay Angara na sa pamamagitan ng examinations, mahahasa ang talino ng mga bata at maaari itong iaplay sa totoong sitwasyon ng buhay.

Maganda ang balak ni Angara para mahasa ang talino at creativity ng mga Pilipinong estudyante. Kailangang maisagawa ito upang marekober ang “nawalang” kalidad ng edukasyon.

Kasabay sa isasagawang proyekto, isa sa katuparan din naman ng DepEd ang pagha-hire sa mga mahuhusay na guro para magabayan ang mga estudyante. Lutasin din ang problema sa nagsisiksikang mga estudyante sa classroom. Dahil sa sobrang dami (umaabot sa 50 students sa classroom), hindi na makapag-concentrate ang mga bata. Sikapin ni Angara na masolusyunan ang mga problema para marekober ang “naglahong” quality ng edukasyon. Ibalik ang pangunguna ng mga estudyanteng Pinoy.

vuukle comment

EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with