‘Typewriter’ (Part 2)
MADALAS akong magtungo sa lumang bahay nina Lola Pelagia na dalawang kalye lamang ang layo sa aming bahay. Si Lola ang nagsabi sa akin na lagi akong magtungo sa kanya kapag walang pasok sa school. Nasa high school ako noon. Si Lola ay malapit nang mag-90-anyos noon. Ang kasama ni Lola sa bahay ay ang bunsong kapatid ni Mama na isang guro at matandang dalaga.
Kapag Sabado at Linggo ay nasa bahay ako ni Lola. Madalas na nagpapraktis akong mag-type sa lumang typewriter ni Lolo Pedrito. Kahit lumang-luma na ay napakagaan pa ring tipain ng makinilya. Sabi ni Lola, madalas daw niyang palinisan ang typewriter ni Lolo. May nagho-homeservice para linisin. Iyon daw kasi ang bilin ni Lolo noong nabubuhay pa. Huwag daw kalilimutang palinisan at langisan ang typewriter.
Nasa salas ang typewriter at doon daw nagta-type si Lolo ng mga ipinadadalang tula sa Liwayway. Kapag daw may mga estudyante o mga taong kailangang ipa-type ang dokumento o research, si Lolo ang pinupuntahan.
Minsan, bumangon ako ng alas kuwatro ng madaling araw para umihi. Nagulat ako sapagkat may narinig akong ingay ng typewriter sa salas. May nagta-type! (Itutuloy)
- Latest