Pelikulang ‘Deadpool & Wolverine’, nakatanggap ng Guinness Record dahil sa ginanap na drone show!
NAKAPAGTALA ng world record ang pelikulang “Deadpool & Wolverine” dahil sa naganap na drone show kung saan gumamit ng libu-libong drones!
Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na ang naturang drone show na inisponsoran ng Marvel at Sky Elements ang bagong world record holder ng titulong “Largest Aerial Display of a Fictional Character Formed by Drones”.
Ito ay matapos silang gumamit ng 1,599 drones para mabuo ang imahe ng karakter na si Deadpool sa kalangitan. Ngunit nang gabi ring iyon, na-break nila ang sarili nilang record nang bumuo sila ng imahe ni Wolverine gamit ang 1,607 drones.
Ayon sa kompanya na nagmamay-ari ng drones na Sky Elements, hindi ito ang huling beses na makakapagtala sila ng world record at sa mga susunod na buwan ay maaaring matalo nila ang sarili nilang world record.
- Latest