• Mga gulay na pumipigil para magkaroon ng cancer:
Broccoli: mayroong sulforaphanes, cancer-fighting plant compound na pumipigil upang hindi mabuo ang cancerous cells.
Aragula: Mayroong anti-oxidants at phytochemicals para pigilan ang tumor na tumubo sa katawan at mabuo ang cancerous cells.
Carrots: Taglay ang beta-carotene at alpha carotene upang manatiling healthy ang cells at mamatay ang cancer cells.
Purple camote at patatas: Mula sa pag-aaral na ginawa sa Pennsylvania State University, ang kulay ubeng patatas at camote ay may cancer-fighting properties na malakas pumigil upang maiwasan ang colon cancer.
Bok Choy (Taiwan Pechay), native pechay: Mayroong brassinin na magaling pumigil para madebelop ang pagtubo ng cancer cells.
• Benepisyo ng iba’t ibang nuts:
Kasuy: Taglay ay magnesium para maging mahimbing ang pagtulog.
Almonds: Para pigilan kumulubot ang balat dahil sa taglay nitong protina at Vitamin E. Nagpapakinis ng kutis.
Pistachios: Maging maganda ang tubo ng buhok at mapapanatili ang sexual health dahil mayaman sa protina, essential fatty acids at biotin.
Walnuts: Nagdudulot ng healthy brain dahil sa omega-3.
Pecans: Mayaman sa zinc kaya nagpapalakas ng immune system.
Brazil nuts: Mayaman sa selenium na importante sa thyroid hormone production at maisaayos ang metabolism.