FLASH report! Sino itong regional director ng PNP na nahuli ng kanyang doktorang asawa? Ayon sa Marites na umiikot sa Camp Crame, nabuking si RD nang maabutan ni Misis na nakakandong ang kanyang babaeng aide. Dipugaaaaa! Kandong lang kaya? Ang ranggo ni aide ay major. May anak si RD, na naka-assign sa Camp Crame, na kusang nag-resign sa puwesto dahil sa kahihiyang dulot ng amang RD. Clue? Ang balitang ‘yan ay hot topic ngayon sa PNP Press Corps sa Camp Crame. Lagot! Makakatulog pa kaya ng mahimbing si RD?
• • • • • •
Hindi lang pala ang naarestong Chinese spy na nahuli sa Makati City, ang nag-ooperate sa Pinas kundi marami pa. Nagtakbuhan kasi sa Cagayan ang mga intel agents ng PNP at AFP matapos makatanggap ng report na may mga espiya rin ang China na nakabase sa isang resort sa Sta. Ana, Cagayan. Susmaryosep! Di ba sa Cagayan din ‘yung nabulgar na may mga libu-libong estudyanteng Chinese? Tsk tsk tsk!
Baka naman ang mga Chinese spy sa Cagayan ay naniniktik sa kalapit bansang Taiwan. Alam kaya ng Bureau of Immigration kung paano nakarating itong mga Chinese students sa Cagayan? Dipugaaaaa! Hehehe! Pitsa na naman kaya ang dahilan? Ano pa nga ba!
Ang Marites sa Camp Crame, lumutang ang isang driver sa opisina ni Col. Joel Ana, ng CIDG National Capital Region matapos mahuli ang Chinese spy na si Yuhang Liu sa Makati City noong May 29. Nanonood kasi ng balita sa TV ang driver nang ipakita ang close-up ng mga “specialized custom-built devices” na puwedeng gamitin para i-track o monitor ang mga celfones at iba pang gamit. Pamilyar ito sa driver dahil nakita niya ito habang hinahakot at ikinarga sa isang sasakyan sa Lallo, Cagayan. Sal-it! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sinabi ng mga kosa ko na base sa kuwento ng driver, na-hire ang van niya ng apat na Chinese at nagpahatid mula Pampanga hanggang Cagayan noong Abril 16. Pagdating nila sa Lallo, Cagayan nakita nila ang mga eavesdropping devices na ibinaba sa isang drone. Totoo kaya ito? May sumalubong na ibang sasakyan sa apat na Chinese at dun din nila isinakay ang mga epektos, na parehas ang hitsura sa nakumpiskang mga gadgets kay Yuhang. Araguyyy! Tsk tsk tsk!
Kahit saang parte na lang ng Pinas may espiya talaga ang China kaya may advanced info sila sa mga lakad ng PNP at AFP, di ba mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Tinitiktikan din sa kasalukuyan ng intel operatives ng gobyerno ang tatlong media personalities na ginagamit ng China sa kanilang black propaganda sa Pinas. Araguyyyyy! Ang isa sa kanila ang nagbibigay ng info sa vlogger na dating nagtatrabaho sa Alibangbang nightclub sa Cubao. Ano ba ‘yan?
Mukhang natumbok ng Chinese spy ang kahinaan ng mga Pinoy na “madali lang patayin dahil sa kasuwapangan sa pera.” Minsan naman maging “nationalistic” tayo.’ Wag puro pitsa ang isipin. Ang bayan naman! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!
Teka nga pala, maging ang mga taga-National Telecommunication Commission ay umamin na ngayon lang sila nakakita ng mga gadgets at advanced communication equipements na nakumpiska kay Yuhang. Hindi kayang bumili ng Pinas nito dahil milyon-milyon ang presyo. Dipugaaaaa! Abangan!