^

Punto Mo

EDITORYAL - Magdahan-dahan sa marijuana bill

Pang-masa
EDITORYAL - Magdahan-dahan sa marijuana bill

Masayang ibinalita ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs na pinagtibay na ng kanyang komite at committee on Health ang panukalang batas sa paggamit ng medical marijuana.

Ayon kay Barbers, approved na ng kanyang pinamunuang komite ang panukalang batas sa paggamit ng marijuana bilang gamot sa mga malulubhang sakit gaya ng kanser, insomnia, epilepsy at iba pa. Ayon pa kay Barbers, kapag naging batas na, magiging eksklusibo lamang ito bilang gamot at hindi para sa recreational purposes. Magkakaroon ng preskripsiyon ng doktor at hindi basta-basta mabibili sa mga botika ang gamot.

Sinabi pa ng kongresista na ang sobrang preskripsiyon ng medical marijuana ay may parusang pagkakulong ng anim na taon at multang P500,000 hanggang P1 milyon.

Marami na ang nagpanukala ng medical marijuana. Ilang taon na ang nakararaan, inihain ni Isabela Rep. Tonypet Albano ang House Bill 279 (Medical Compassion Cannabis subalit hindi naaprubahan. Layunin din ng panukalang batas na gamitin ang marijuana laban sa mga malulubhang sakit.

Noong 2014, inihain din ni dating Isabela Rep. Rodito Albano (kapatid ni Tonypet) ang House Bill 4477 (Compassionate Use of Medical Cannabis Act). Sa panukala, ang marijuana ay para sa medical purposes at hindi puwedeng gamitin para sa recreation purposes. Hindi rin puwedeng ibenta­ kung saan-saan ang marijuana at hindi rin puwedeng itanim sa bakuran ang halaman.

Hindi naaprubahan ang panukala ni Albano sapagkat tinutulan nang maraming sector kabilang ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) at Department of Health (DOH). Ayon sa DOH, kaila­ngan pa nila nang sapat na ebidensiya para masabing nakagagamot ang marijuana. Wala pa raw nakapagpapatunay na nakagagamot ng sakit ang marijuana particular ang epilepsy.

Ang panukala ni Barbers sa medical marijuana ay marami pang pagdadaanan bago maging batas. Maaring matulad din ito sa iba pang panukala sapagkat maraming tutol. Bukod sa DOH, nagpahayag din noon ang Dangerous Drugs Board (DDB) na mapanganib ito at baka abusuhin kapag naging batas. Kamakalawa, sinabi ng Philippine Medical Association (PMA) na tutol sila sa legalized use ng marijuana. Mayroon umano itong harmful effect.

Kung ganito ang mga opinyon laban sa marijuana, makabubuti na magharap ng mga matitibay na ebidensiya ang mga mambabatas na nakagagamot nga ito.

Kailangang matiyak ang bisa ng marijuana bilang gamot sapagkat kung hindi, baka maabuso ito at magbigay ng panibagong drug problem sa bansa.

SURIGAO DEL NORTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with