Radio announcer na 2 araw na walang tigil nag-host ng programa, nakatanggap ng Guinness World Record!

Isang radio announcer sa Australia ang nakapagtala ng bagong world record matapos siyang mag-host ng isang radio program na umere ng mahigit 55 oras o dalawang araw!

Kinumpirma kamakailan ng Guinness organization na ang Australian radio announcer na si Mario Bekes ang bagong record holder ng titulong “Longest Audio Only Live-Stream” matapos niyang i-broadcast nang walang tigil ang programa niyang “Life, the battlefield” sa loob ng 55 oras at 26 na minuto.

Naganap ang record breaking attempt ni Bekes sa istasyon ng Alive 90.5 FM sa Sydney, Australia. Nagsimula ang kanyang marathon talk show noong umaga ng Abril 30 at natapos ng Mayo 1. Upang kila­lanin ng Guinness ang record attempt na ito, pinagbawalan si Bekes na magpatugtog ng music, mag-ere ng commercials at tumanggap ng phone calls mula sa listeners. Habang umeere ang kanyang programa, may nakaantabay na medical team para i-monitor ang kanyang kalusugan.

Ang programa ni Bekes na “Life, the Battlefield” ay may layunin na magbigay ng positi­vity sa pamamagitan ng pagbibigay ng life advice tungkol sa self-empowerment at improvement sa mga listeners. Nagmula sa Croatia si Bekes at dumating siya sa Australia noong 1989. Karamihan sa mga binibigay na advice ni Bekes ay nagmula sa mga karanasan at paghihirap niya noong bagong salta pa lamang sa Australia.

Nang matapos ni Bekes ang marathon, agad ibinigay sa kanya ng Guinness adjudicator na si Pete Fairbairn ang certificate.

Show comments