1. Napoleon Bonaparte: Ilang oras pagkatapos malagutan ng hininga, ang hiling niya ay kalbuhin siya at ang buhok ay ibigay sa pamilya at itago.
2. Marilyn Monroe: Ang lahat ng kanyang personal na gamit/damit ay inihabilin niya sa kanyang acting coach. Ang request ni Marilyn ay hatiin ang lahat ng kanyang ari-arian at ipamigay sa kanyang mga kapamilya, pero ganid ang acting coach at hindi niya ito sinunod. Nang mamatay si Acting Coach noong 1982, ibinenta ng kanyang biyuda ang lahat ng gamit ni Monroe at nagkapera ito ng $13 million.
3. Farrah Fawcett: Ipinamana niya ang kanyang kayamanan sa anak na lalaki. Pinamanahan rin niya ang isa sa kanyang naging ex-lover ng $100,000.
4. Fred Baur, Inventor ng Pringles: Ipa-cremate ang kanyang bangkay at ang abo ay isilid sa lata ng Pringles at saka ilibing.
5. Harry Houdini: Ibinilin ng magaling na magician sa kanyang misis na taun-taon ay magsagawa ng “séance” upang makapagpakita siya at magkausap silang mag-asawa. Walang makapagsabi kung sinunod ito ni Misis.
6. Gene Rodenberry, Star Trek creator: Ipa-cremate siya at ang abo niya ay ikalat sa space.
7. Jack Benny, American comedian at vaudevillian: Gusto niyang makatanggap araw-araw ng single long-stemmed red rose ang kanyang misis kahit nasa kabilang buhay na ito. May pera siyang iniwan para pambili ng roses bukod pa sa ipinamanang pera sa pamilya. Nasunod ang kanyang kahilingan. Araw-araw ay may nagdedeliber ng rose sa kanyang misis sa loob ng 9 years bago ito pumanaw.