^

Punto Mo

Wheelchair (145)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“OPO tatagal ang pagkakaibigan namin ni Jong,’’ sabi ni Pam. “Mabait po kasi si Jong,’’ dagdag pa nito.

“Sana pagpalain kayong dalawa ng Diyos na makahanap agad ng trabaho.’’

“Salamat po.’’

“Ikaw ba Pam ay balak mo ring mag-abroad?’’ tanong ni Tito Mon.

“Opo. Balak ko po ay sa Canada.’’

“Aba maganda roon.’’

“Pero dito po muna ako magtatrabaho ng ilang taon para makakuha po ng experience. Tapos sa Canada na. Meron po kasi akong tita roon.’’

“Sana makapag-abroad din si Jong. Di ba Jong?’’ at tinapik si Jong sa balikat.

“Opo Tito.’’

“Madali pong makakapag-abroad si Jong dahil matalino yan.’’

“Hindi naman.’’

“Sana suwertihin agad kayong dalawa na makakita ng trabaho,” sabi ni Tito Mon.

“Salamat Tito,’’ sabi ni Pam.

“Huwag mo akong kalilimutan kapag nasa Canada ka na ha, Pam?’’

“Opo.’’

WALA pang isang buwan makaraang maka-graduate si Jong ay natanggap na agad siya sa isang ospital bilang nursing aide. Tuwang-tuwa niyang ibinalita sa kanyang Inay at Tito Mon ang pagkakaroon ng trabaho.

“May trabaho na ako Inay, Tito Mon. Magsisimula na ako bukas!’’

“Salamat sa Diyos. Napakabuti Niya,’’ sabi ng Inay ni Jong.

“Ang galing mo talaga, Jong! Hanga talaga ako!’’

“Salamat Tito.’’

“E si Pam? May trabaho na rin siya?’’

“Opo Tito. Pero sa ibang ospital siya.’’

“Mahusay talaga ­kayong dalawa. Tiyak ang kasunod ay sa abroad na kayo pupunta. Malapit na tayong guminhawa.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

WHEELCHAIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with