^

Punto Mo

Mag-goodbye na kaya ang POGO?  

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

AYAN na nga,  tuluyan nang inirekomenda  ang tuluyang pag-ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Iyan ang nakapaloob sa report ni Senator Sherwin Gat­chalian, na siyang chairman ng Senate Committee on Ways and Means na nagbusisi sa mga benepisyo at mga epekto ng POGO sa Pinas.

Lumabas sa imbestigasyon na puro perwisyo lamang at wala namang benepisyo na nakukuha ang bansa sa POGO.

Susunod na hakbang ng senador ay ang pag-aapruba ng isang resolusyon para kumbinsihin ang Ehekutibo na tuluyang ipagbawal ang POGO sa bansa. 

Matindi ang bilin ni Gatchalian sa BIR na singilin ang natitirang tax liabilities ng mga POGOs.

Pambihira may tax liabilities pa pala ang mga ito .

Matagal-tagal ring binusisi nang husto ang tungkol sa  POGO na ngayon nga ay nakitang mas lamang ang perwisyo kaysa sa pakinabang.

Isa rin ang operasyon ng POGO na masasabing naging dahilan ng pagdami ng kaso ng kidnapping.

Kadalasang mga Chinese ang suspect sa mga pagdukot at ang mga biktima eh kanila ring kababayan o kaya ay ibang dayuhan.

Dumagdag pa ang mga ito sa suliranin sa peace and order sa bansa.

Yun nga lang kung tuluyang iba-ban ang POGO, siguradong ang hihirit naman dyan eh ang mga Pinoy na nagtatrabaho dito.

Yan ang ating aantabayan kung ano ang magiging pag-aksyon dito ng Malacañang.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with