^

Punto Mo

Offload!  

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

AYAW talagang tantanan ng maraming netizens ang eksenang naganap sa NAIA kung saan humihingi ng yearbook photo ang isang immigration officer sa isang pasahero.

Kanya-kanyang gawa ng TikTok at memes ang mga netizen ukol dito.

Talaga nga namang ngayon lang nakarinig ang marami na isa ito sa hinanap na dokumento ng immigration officer at maging ang mga kung anu-anong katanungan na tumagal nang husto kaya naiwan ng flight ang kawawang pasahero.

May meme pa ang ilang netizen na nakakabahala umano na kapag hindi nagustuhan ng IO ang mukha ng pasahero, malamang na ma-offload ito.

Hindi nga ba’t departure ‘yan, kung tutuusin ang mga importanteng dokumento hawak na ng isang aalis na pasahero, kabilang dyan ang visa sa bansang kanilang patutunguhan.

Mabubusisi pa rin ‘yan sa bansang kanilang papasukan.

Pero ok din lang naman na mabusisi rin ang mga paalis na biyahero dahil maaaring nag-iingat ang BI sa operasyon ng human trafficking, pero ang hindi matanggap nang nanggagalaiting netizens ay ang mga katanungan at mga hinihinging patunay ng immigration officer.

Dahil din dyan, mas maraming sumbong pa ang lumabas. Ika nga ngayon ang naibulalas ng marami ang ilan nilang mga karanasan sa immigration counter.

Hindi naman umano sa nilalahat ang immigration officer na nakadestino sa mga paliparan, pero may ilan umano na grabe ang sungit na hindi mo malaman kung may pinagdadaanan.

Hindi naman makapalag ang mga biyahero dahil siyempre ayaw nilang mabulilyaso ang kanilang paglalakbay, na baka isa sa dahilan kaya hindi naitutuwid ang ganitong gawi at attitude ng ilang IO.

Kaya nga giit ng ilang senador dapat sigurong sumailalim sa retraining o muling pagsasanay ang mga IO na nagsasagawa ng screening process sa paliparan.

Dapat umanong mapaalalahan ang mga ito sa mga dapat na itanong at kung ano lamang na mga dokumento ang kailangang hanapin sa mga lalabas ng bansa.

Dagdagan na rin ang CCTV para makikita agad kung ano ang nangyayari sa isinasagawang mga pag-screen sa mga pasahero.

Kung pwede nga nakarekord din ang pag-uusap sa sinusuring pasahero at ng immigration officer. 

Dapat talaga itong matutukan, dahil baka malagay din sa alanganin ang bansa sa mga dayuhang turista.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with