^

Punto Mo

Pananagutan ng co-maker sa pagbabayad ng utang

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Kapag co-maker ka ba ng utang puwede kang habulin para sa buong halaga na hiniram? Co-maker po kasi ako ng kaibigan ko na na­ngutang at mukhang hindi po siya makakabayad. —Allaine

Dear Allaine,

Depende iyan sa kontrata na pinirmahan niyo noong nangutang ang kaibigan mo. Basahin mo ang naging kasunduan niyo ng lender at tingnan mo kung ang mga katagang “solidarily liable” o “jointly and severally liable” ay makikita sa kontrata.

Kung mayroon kasing “solidarily liable” o “jointly and ­severally liable” sa kasunduan, malamang na maari kang habulin ng lender para sa inutang ng iyong kaibigan. Madalas ay ang mga katagang “solidarily liable” o “jointly and ­seve­rally liable” ang ginagamit upang isaad na maaring habulin ang kahit isa lamang sa mga nakapirma sa kasunduan upang siyang papanagutin at pagbayarin para sa buong halaga ng inutang.

Kung wala naman ang mga katagang nabanggit ay maaring hindi ka pagbayarin ng buong halaga ng inutang dahil upang ikaw ay mahabol para sa kabuuang halaga ng utang, kailangang tahasang nakalagay ito sa kontrata.

Pero siyempre, bilang co-maker ay siguradong may obligasyon ka pa ring kailangang panagutan kahit pa hindi ka naman nakinabang sa salaping hiniram ng kaibigan mo. Kabilang na rito ang maaring pagbabayad ng bahagi ng halagang hiniram ng iyong kaibigan.

vuukle comment

UTANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with