Mas kailangan ng mga babae ng maraming oras ng tulog kaysa lalaki dahil gamit na gamit ang kanilang “brainpower” sa kaiisip kung paano mananatiling maayos ang sariling career, maayos na pag-aaruga sa anak, at finances ng pamilya. Ang lalaki sa career lang nakapokus dahil iniaasa niya ang pag-aalaga ng anak at finances sa kanyang misis.
Ang isang malaking pagkakamali na gagawin ng isang babae ay maghintay na magbago ang lalaking minamahal niya. Kung ano na siya nang unang makilala, ganyan na ‘yan hanggang kamatayan.
Kung gusto mong manatili ang maganda mong relasyon sa isang tao, paniwalaan mo muna ang alam mo tungkol sa kanya at hindi sa imormasyong naririnig mo lamang. Saka ikaw mag-react kung nakita mo mismo ang katotohanan tungkol sa narinig mo.
Bakit lumalayo ang isang lalaki kapag nakita niyang malakas ang personalidad ng isang babae? Kasi ayaw niya sa babaeng hindi niya kayang paikut-ikutin.
Anim na senyales na “matured” na ang relasyon ninyo:
1. Good morning at good night lang ay sapat nang update ninyo sa isang araw.
2. Mas pipiliing manahimik ay iwasang magkomento para hindi na lang magtalo.
3. Laging nag-aaway pero hindi humahantong sa break-up. Maya-maya ay nagkakapatawaran din.
4. Bihira na ang selos sa isa’t isa dahil nakatatak na sa isipan ninyo na sapat na kayo sa isa’t isa.
5. Hindi na nagiging isyu ‘yung nakalimutan ang anniversary o birthday. E, di sorry na lang at bumawi sa ibang araw.
6. Malaya pa rin nagagawa ang mga gustong gawin ng bawat isa.