Benepisyo sa pakikipaghalikan

1. Nagiging sanhi ng paglabas sa katawan ng serotonin or “happy hormones.”

2. Tumutulong para lalong magkalapit ang dalawang taong nagmamahalan.

3. Nagpapalakas ng tiwala sa sarili.

4. Nagpapababa ng cortisol or stress hormones na dahilan ng magulong pag-iisip.

5. Nababawasan ang pagiging nerbiyoso.

6. Nagpapaluwag ng daluyan ng dugo kaya nagpapababa ng blood pressure sa mga may alta presyon.

7. Nakakatunaw ng calories.

8. Nagpapatibay ng facial muscle.

9. Sa pamamagitan ng pagpapalitan ng laway, na-e-expose ka sa bagong “germs” na nagpa­patibay ng immune system.

10. Nagdudulot ng healthy heart.

11. Ayon sa pag-aaral, ang mag-asawang naghahalikan nang regular ay nadadagdagan ang kanilang lifespan ng 5 years kumpara sa bihirang maghalikan.

12. Bumababa ang tsansa na masira ang ngipin dahil nagiging masagana ang laway na lumalabas sa bibig kaya naiiwasang magkaroon ng tartar.

13. Nagsisilbing pain reliever. Kapag masaya ang kalooban, ang katawan ay naglalabas ng endorphins, ang natural pain reliever.

14. Base sa pag-aaral, ang lalaking palahalik sa kanyang misis lalo na bago siya umalis patungong trabaho ay mas masigasig sa kanyang pagtatrabaho kaya nagdudulot ito ng mataas na suweldo at promotion.

Show comments