^

Punto Mo

EDITORYAL - Maging alerto sa cyber criminals

Pang-masa
EDITORYAL - Maging alerto sa cyber criminals

NADAKMA na ang limang suspects na nasa likod ng “Mark Nagoyo’’ gang na nag-hacked sa BDO-Unibank accounts noong Disyembre 2021. Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), ang lima ay sina Jherom Anthony Diawan Taupa, Romelyn Panaligan, Clay Revillosa at Nigerians na sina Ifesinachi Fountain Anaekwe at Chukwuemeka Peter Nwadi.

Si Taupa ang lider ng grupo at nagpakalat ng scam page ng banko na nakapanloko ng 700 ­kliyente. Nagawa nilang mai-transfer via InstaPay ang P50,000 ng kliyente patungo sa UnionBank na ang account ay nagngangalang “Mark Nagoyo”.

Sina Panaligan at Revillosa ang umano’y mga nagdebelop ng scam page.

Ang Nigerians na sina Anaekwe at Nwadi ay nahuli sa Mabalacat, Pampanga habang nagbebenta ng phishing websites. Ang grupo rin ang gumagawa ng scam pages para ma-hack ang G-Cash wallets.

Sinabi pa ng NBI na may mga kasabwat pa ang “Mark Nagoyo” gang at babagsak din ang mga ito sa kanilang mga kamay sa lalong madaling panahon. Nabatid din ng NBI na isa pang banko umano ang tinatrabaho ng Nagoyo gang subalit hindi nila pinangalanan. Iniimbestigahan na rin ng NBI ang phishing na ang tinatarget naman ay mga guro na may account sa LandBank.

Aktibo ang cyber criminals lalo na ngayong nauso ang digital banking. Mahigpit na pinapaalala ng NBI at ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa bank depositors na huwag ibibigay ang account details, user IDs, passwords at personal identification numbers sa sinuman. Mag-ingat at huwag sasagutin ang emails o texts messages na natatanggap. Idelete agad ang mga kahina-hinalang messages.

Nararapat namang bagsikan pa ang batas laban sa mga cyber criminals. Higpitan din ang pagpasok ng mga dayuhan, lalo ang Nigerians na eksperto sa pag-hacked ng accounts. Parusahan nang mabigat ang mga sangkot sa phishing, smishing at iba pang uri ng electronic financial crimes. Maging alerto ang publiko sa cyber criminals.

CYBER CRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with