Mga baby pusit, ipinadala sa kalawakan

DOSE-DOSENANG baby pusit ang ipina-dala sa kalawakan upang maobserbahan ang epekto ng naturang paglalakbay sa kanilang katawan.

Kasama ang 128 na Hawaiian bobtail squid sa Spacex resupply mission na lumipad patungo sa International Space Station kamakailan.

Umaasa ang mga scientist na ang gagawing pag-a­aral sa mga pusit ay makatutulong sa paghahanap ng paraan upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga astronaut habang sila ay nasa kalawakan.

Pareho kasing nabubulabog ang immune system ng tao at ng mga pusit kapag sila ay nasa kalawakan kaya layunin ng pag-aaral na tuklasin ang sanhi nito.

Pagkatapos ng kanilang pananatili sa kalawakan ay frozen na babalik sa daigdig ang mga pusit upang sila’y mapreserba at mapag-aralan pa ng mas mabuti ng mga siyentista.

 

Show comments