LAKING gulat ng isang pamilya Baton Rouge, Lousiana nang i-check nila ang kanilang bank account kamakailan at malamang may laman itong $50 bilyon (katumbas ng P2.5 trilyon).
Nalaman na lamang ito ni Darren James nang bigla siyang tawagan ng kanyang asawa dahil sa bilyun-bilyong halaga na lumitaw sa kanilang bank account.
Hindi makapaniwala si James sa nakita niyang numero sa kanilang bank account. Ayon sa kanya, noon lamang siya nakakakita ng ganoong karaming zeroes sa buhay niya.
Agad naman niyang itinawag ang pangyayari sa banko upang ireport ang maling pagkakadeposit at upang malaman na rin ang dahilan nito.
Matapos ang ilang araw ay na-reverse din ang maling deposit ngunit bago ito ay kumuha muna ng screenshot ang pamilya ni James ang once-in-a-lifetime na pagkakamali ng banko.