1. Sa supermarket, ang anumang murang items ay nasa pinakaitaas o ibaba ng shelf. Ang mamahaling items ay nasa eye level.
2. Ang most attractive color para isuot ng lalaki ay black samantalang sa babae ay red.
3. Ang ugaling pagkimkim ng galit ay kahalintulad ng: Uminom ka ng lason pero ang inaasahan mong mamamatay ay ibang tao.
4. Ang palatandaan ng nagtataksil ayon sa psychologist: Kapag biglang nag-ring ang kanyang cell phone habang magkasama silang mag-asawa, ang “taksil” na tao ay tumutungo habang nakikipag-usap sa cell phone.
5. Huwag balewain ang sinasabi sa iyo ng kausap mong lasing. Mas madalas, iyon ang totoong nilalaman ng kanyang puso at isipan. Wala lang siyang lakas ng loob na sabihin iyon kapag nasa “normal” mood siya.
6. Magpakuha ng picture ang mag-asawa tuwing anniversary upang makita ninyo ang pagbabago ng hitsura after 50 years.
7. Sabi ni Ed Sheeran, English singer-songwriter: Hindi ko alam ang susi para magtagumpay; ngunit alam ko ang susi para mabigo—trying to please everyone.
8. Ayon sa mga psychologists, mga 2 hanggang 4 na taon ang haba ng panahon para makilala nang lubusan ang isang tao. Bumababa ang tsansa ng paghihiwalay, kung ganito kahaba ang hihintaying panahon ng magnobyo bago magpakasal.
9. Ayon sa mga expert: Sa Facebook profile na may dalawang tao at walang romantic relationship na namamagitan, mahuhulaan mo kung sino sa dalawa ang may-ari ng profile sa pamamagitan ng pagtitig sa picture. Kung sino ang less attractive, siya ang may-ari.
10. Ang paghawak ng maraming pera ay nakakatulong magtanggal ng physical at emotional pain. (Itutuloy)