^

Punto Mo

Huwag makipagbalikan sa nobyong nananakit

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

KUNG ano ang klase ng inyong relasyon noong hindi pa kayo mag-asawa, ‘yun na ang magiging relasyon ninyo habang buhay. Bihira sa mga taong nasa hustong gulang ang nagbabago ang ugali. You can’t teach old dog new tricks.

Nagawa ka niyang saktan dahil hindi ka ganoon kaimportante sa kanya. Malay mo, kaya lang siya bumabalik sa iyo ay para patunayan sa kanyang sarili na magaling siyang magpaikot ng babae.

Kaunting drama, kaunting pangako ay magbabago na, kuha agad niya ang loob mo. E, di wow, nauto ka na naman niya.

Mahalin mo muna at igalang ang iyong sarili sa pamamagitan ng paglayo sa  taong dahilan ng inyong “toxic relationship”.

Ang “healthy relationship” ay dapat na nagdudulot ng kaligayahan sa magkarelasyon, at hindi black eye at gutay-gutay na pagkatao.

Tulungan ang sarili na maka-move-on. The sooner you can move on, the faster you will see yourself going forward. Marami ka na ulit makikilalang tao na tatratuhin ka nang tama.

Unti-unting mabubuksan ang iyong puso hanggang sa mamamalayan mo na lang na maru-nong ka na ulit umibig.

Hindi mo kailangang makipagbalikan dahil marami pang lalaki ang darating na mas deserving sa iyong pagmamahal.

“Any man can treat a lady right for one night, but it takes a real man to treat her right for the rest of her life.” – Anonymous

TRICKS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with