Home Hacks

Sikip ang sapatos? Ispreyan ang loob ng sapatos ng rubbing alcohol. Magsuot ng makapal na medyas pero kung manipis ay doblehin. Ilakad nang ilang oras sa loob ng bahay hanggang lumuwag.

Protektahan ang patatas mula sa mga insekto sa pamamagitan ng paglalagay ng harina sa paligid nito. Hugasan kapag lulutuin na.

Diaper rash cream. Paghaluin ang tubig at harina. Gawin itong paste. Ito ang ipahid sa diaper rash.

Paano mag-dry clean ng stuff toy? Kumuha ng malaking plastic bag kung saan magkakasya ang stuff toy. Pahiran ng baking soda ang stuff toy. Ilagay sa plastic bag at alugin ng 10 minutes o higit pa. Tatanggalin ng baking soda ang alikabok mula sa stuff toy. Tanggalin ang stuff toy sa plastic bag. Ipagpag ito upang matanggal ang natitira pang baking soda na nakadikit dito.

Pantanggal ng amoy alimuom sa mga lumang libro. Budburan ng baking soda ang mga pahina.

Maglagay ng mainit na tubig sa aluminum bowl. Tunawin dito ang isang kutsarang baking soda. Dito ibabad ang silverwares hanggang lumamig ang tubig. Tuyuin ng basahan.

Upang tumagal ang “freshness” ng bulaklak sa flower vase: Tunawin ang isang kutsaritang baking soda sa tubig. Ihalo ito sa tubig na ilalagay sa flower vase. Lagyan ng yelo. Ilagay ang flowers.

Show comments