PATULOY ang kampanya ng administrasyong Duterte laban sa illegal drugs sa buong bansa.
Sa pangunguna ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay marami na ang naarestong suspek sa pagtutulak at paggamit ng iligal na droga.
Bukod pa ito sa napakaraming napapatay at ang pinakahuli ay ang pagkakapatay sa Ozamiz City Mayor at 14 pang iba pa dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga.
Tama lang na pag-ibayuhin ng gobyerno ang kampanya laban sa iligal drugs. Kaya lamang ang kadalasang natutumbok ay mga small time o maliliit lang na drug suspect o pusher.
Hindi matatapos ang problema sa illegal drugs kung hindi mapipigilan ang pagpasok nito sa bansa.
Sa ngayon ay nahihirapan na ang mga malalaking labora-toryo na makapag-operate sa bansa kaya naman ay mas minabuti na magpuslit na lang ng illegal drugs.
Isa sa nakaaalarma ay ang natuklasang pagpapalusot sa mahigit P6 bilyong halaga ng illegal drugs sa Bureau of Customs (BOC).
Dapat ay mayroong mapanagot at maisailalim sa masu- sing imbestigasyon mula sa BOC kung sino ang posibleng kasabwat sa pagpapalusot sa illegal drugs na nailagay pa sa green lane na ibig sabihin ay mabilis na makakalabas sa Adwana.
Ang masaklap nito ay may posibilidad na baka may mga naunang nakalusot na ang droga sa bansa kung kaya lalo pang lumalala ang problemang ito na nais lutasin ni President Duterte.
Habang nagsisikap ang mga law enforcement agencies sa pagsugpo sa illegal drugs ay dapat na magbantay ang BOC upang sa ganitong paraan ay mas mabilis na magiging matagumpay.
Sa imbestigasyon ng mga mambabatas, marapat na matu-koy ang mga responsable sa BOC at makabuo ng batas upang mas maging mahigpit sa pumapasok na kargamento sa bansa na isinisingit ang illegal drugs.