“SA helicopter na ‘yan tayo sasakay,’’ sabi ni Sir Manuel. ‘‘Masyadong malayo ang lugar na ito kaya kailangang diyan tayo sumakay para madaling makarating sa Maynila. Halina kayo!’’
Nagtungo sila sa helicopter.
Ilang sandali pa at nasa himpapawid na sila pabalik ng Maynila.
‘‘Gusto mo bang makita na ang Lola Rosa mo, Sam?’’
“Opo Sir Manuel. Matagal ko na pong hindi siya nakikita. Mula nang magtungo ako rito sa Maynila ay hindi na ako nakauwi sa Bgy. Susong Dalaga. Malaki po ang pagkukulang ko sa aking lola, Sir Manuel.’’
‘‘Maiintindihan ka naman siguro ng Lola Rosa mo.’’
‘‘Matanda na po siya Sir Manuel at nag-aalala ako na baka nagkakasakit siya. Balak ko nga po na bago kami magpakasal ni Ram ay dalhin siya sa Maynila para maipa-check-up. Puwede po kaya na makita ko ang lola ko bukas. Balak ko pong umuwi bukas ng umaga Sir Manuel.’’
‘‘Walang problema, Sam. Ikaw ang masusunod. Pero ngayon ay sa bahay ko muna tayo tutuloy para makapagpa-hinga kayo ni Ram nang maa-yos. Kailangan ding magamot ang mga sugat ni Ram sa braso at katawan. Alam ko, nahirapan kayo habang hinahabol ng baliw na si Levi.’’
“Oo nga po Sir Manuel. Awang-awa nga ako kay Ram dahil naipit siya sa barbed wire. Hindi po siya makaalis dahil nakatutok ang baril ni Levi.’’
‘‘Alam ko ang pangyaya-ring iyon. Ikinuwento na ng mga pulis sa akin. Kaya nga kailangang makapag-rest kayo nang maayos.’’
“Bakit hindi po sa bahay na aming tirahan kami dumiretso, Sir Manuel.’’
“Dun sa bahay na katabi ng bahay ni Levi?’’
‘‘Opo.’’
‘‘Huwag na roon. Baka mabuhay pa ang demonyo. Sa bahay ko na lang kayo titira. Ipagbebenta ko ang bahay na nasa tabi ng bahay ni Levi.’’
Napatango si Sam.
Nakarating sila sa bahay ni Sir Manuel.
Itinuro ni Sir Manuel ang magiging bedroom ni Sam at Ram.
Nagtungo na si Sam sa kanyang bedroom.
Nang buksan niya, ganoon na lamang ang pagkagulat niya! (Itutuloy)