^

Punto Mo

7 bawal gawin pagkatapos kumain

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Paninigarilyo. Ang pagsisigarilyo matapos kumain ay katumbas ng pagsisigarilyo ng 10 sticks kaya’t mas mataas ang tsansang magkaroon ng cancer.

Kumain ng prutas. Nagkakahangin ang tiyan kung kakain kaagad ng prutas pagkatapos kumain. Dapat ay palipasin muna ang 1-2 oras bago manghimagas ng prutas.

Maglakad. Kung maglalakad kaagad, hindi  masisipsip ng katawan ang nutrients mula sa kinain. Sa halip na maglakad ay tumayo na lang.

Magpaluwag ng sinturon. Mahihirapang maglakbay ang pagkain sa patutunguhan nito at sinasabing nakakapilipit ng bituka kapag pinaluwag kaagad ang sinturon. Tip: Bago pa lang kumain ay tanggalin na ang sinturon kung alam mong mapapasabak ka sa matinding kainan.

Uminom ng tsaa. Huwag uminom ng tsaa pagkatapos kumain. Ang dahon ng tsaa ay may taglay na acid na nagpapatigas ng protina. Kapag tumigas na, mahihirapan ang digestive system na tunawin ito.

Maligo. Ang agarang pagligo matapos kumain ay nagpapabilis ng daloy ng dugo sa mga kamay at paa. Resulta…  ang dugo na dumadaloy sa tiyan ay mababawasan at magreresulta ng mahinang panunaw.

Matulog.  Ang resulta ng pagtulog kaagad matapos kumain ay pagtaas ng insulin level na pinagmumulan ng diabetes; sobrang pagtaba; paghihilik; at heartburn.

Upang maiwasan ang mga nabanggit na problema, magpa­lipas na muna ng isa hanggang dalawang oras bago isagawa ang 7 nabanggit na gawain sa itaas.

DAPAT

HUWAG

KAPAG

KUMAIN

LEFT

MAGLAKAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with