… koleksiyon ng mga istorya ng pagtitiyaga at pagtitiwala sa sarili:
Walt Disney – Noong 10 taon siya, mababa ang grades niya sa school. Maaga siyang gumigising upang magrasyon ng diyaryo. Pagdating sa school ay inaantok siya kaya walang naiintindihan sa itinuturo. Nang sumapit sa tamang edad, nagtrabaho siya sa art department ng isang diyaryo. Kaso tinanggal siya sa trabaho ng newspaper editor. Kulang daw siya sa imahinasyon at walang maibigay na magandang ideya. Ang pagiging animator ng advertising company ang naging tulay ni Walt Disney patungo sa pagtatayo niya ng sariling kompanya na nagpapalabas ng Disney cartoons.
Robert Sternberg – Noong bata pa, siya ay mayroong test anxiety. Sumasama ang pakiramdam niya kapag kumukuha siya ng eksamin. Kaya kadalasan, bumabagsak siya sa written test. Noon namang nasa kolehiyo, isang lumalagapak na C ang tinanggap niyang grade sa introductory psychology. Pero sa pagtitiyaga, nagtapos siya sa Stanford University ng Summa cum Laude at naging presidente ng American Psychological Association.
Winston Churchhill – May problema siya sa speech, nauutal siya kapag nagsasalita. Ipinagpagawa siya ng espesyal na pustiso upang mabawasan ang pagka-utal niya. Problema sa pagsasalita ang isang dahilan kung bakit bumagsak siya noong sixth grade. Sa halip na mawalan ng tiwala sa sarili, lagi siyang nagbabasa nang malakas at nagtatalumpating mag-isa.
Ang pagsisikap niyang paunlarin ang sarili ay nagbunga ng maganda. Kalabisan nang ihanay ang kanyang accomplishments: Dalawang beses naging Prime Minister of the United Kingdom. Una, from 1940 to 1945 at naulit noong 1951 to 1955. Itinuturing na greatest wartime leaders of the 20th century, historian, artist at writer. Nanalo siya ng Nobel Prize in Literature, at pinakaunang tao na naging honorary citizen of the United States.