INAKUSAHAN ng negosyanteng si Reynaldo “Kojie†Muli Jr. ang pinaslang na si Chief Insp. Elmer Santiago na nasa likod ng recycling ng shabu sa Dinalupihan, Bataan. Mabigat ang akusasyon na ito ni Muli na dapat harapin ng asawa ni Santiago na si Agnes. Handa si Muli na makipag-cooperate sa Task Force Santiago o sa NBI para patunayan ang kanyang akusasyon. Bitbit na ebidensiya ni Muli ang isang resibo sa ML Kuwarta Padala kung saan ang dating empleado niya na si Jonathan Mafe ay nagpadala kay Agnes ng P35,500 bilang kabayaran sa apat na bultong shabu na nakumpiska ng tropa ni Santiago sa drug pushers sa Dinalupihan subalit ibinalik sa kalye para kumita. Ang resibo na may petsang Nov. 20, 2013 at may serial no. KPTN: 7332021 9836 665 5511 ay inihulog ni Mafe para kay Agnes sa ML Kuwarta Padala office sa Dinalupihan. Mabigat ang ebidensiya ni Muli ah, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Nagmamaktol kasi si Muli dahil nasama sa diagram ni Santiago sa umano’y nasa likod ng illegal drug trade at cybersex crime operations sa Bataan. Iginiit ni Muli na isa siyang negosyante ng kahoy at wala siyang kinalaman sa illegal drug trade sa Bataan. At handa siyang magpa-drug test at kung ano pang tests para lang malinis ang kanyang pangalan. Subalit nais ni Muli na pati si Agnes ay magpa-drug test din. Nais sanang ibunyag ni Muli ang pagkasangkot ni Santiago sa shabu recycling mismo sa harap niya para tingnan niya kung ano ang reaction nito. Subalit dahil si Santiago ay namatay sa isang ambush sa Mandaluyong City nitong nagdaang buwan, hindi na niya masagot ang akusasyon ni Muli, di ba mga kosa? Kaya lang, sinabi ni Muli na kailangan niyang magsalita dahil sa nakakaladkad pababa ang kanyang negosyo at pati na ang kanyang pangalan. Si Muli ay dating konsehal ng Dinalupihan at ang pamilya ay galing sa political clan kaya marami ang gustong tumestigo para patunayan na hindi dapat malagay sa diagram ni Santiago ang kanyang pangalan. Mismo!
Dahil sa diagram ni Santiago, napilitan si Muli na isara ang kanyang negosyong kahoy at 200 workers ang naapektuhan. Nagkulong na rin siya sa kanyang bahay at minsan na lumabas siya, para sa isang transaksyon sa banko, napilitan siyang mag-bullet-proof vest. Ang ibang kaibigan niya ay lumayo na sa kanya at pati pamilya niya sa Pilipinas at sa abroad ay nadamay pa. T’yak ‘yun!
Ayon kay Muli, ginamit ni Santiago at mga tauhan niya ang kanyang resthouse sa Dinalupihan para planuhin ang pagsugpo ng droga sa kanilang lugar. Subalit namonitor ng kanyang workers na nagsa-shabu si Santiago at assets niya kabilang na ang pag-recycle ng shabu sa kanilang lugar. At ang apat na bultong shabu ay iniabot ni Santiago sa kanyang asset para ibenta na ang napagbentahan naman ay ipinadala kay Agnes. Sinabi ni Muli na maganda ang relasyon ng pamilya niya at kay Santiago at katunayan maraÂming beses silang nag-dinner, kasama si Agnes at mga bata. At si Santiago pa ang nagbabayad ng bill nila. “I have to surface and speak up because he (Santiago) pushed me against the wall. My credibility and future is at stake here,†ani Muli. Abangan!