SUMISILIP pa lang ang umaga…hinihintay mo ang iyong asawa mula sa palengke, di mo inaasahang ang sasalubong pala sa ‘yo ay isang magulo at madugong araw.
“Hinihintay ko lang ang asawa ko may bigla na lang lumapit sa akin at pinagsusuntok ako,†simula ni Nato.
Alas-kwatro ng madaling araw nang hintayin ni Fortunato “Nato†Arado, 54 taong gulang ang asawang si Angelina noong ika-15 ng Pebrero 2014.
Nagtitinda ng mga ulam sa Ortigas ang mag-asawa kaya ganung oras pa lang kung mamalengke si Angelina.
“Ako ang nagluluto kaya hindi na ako sumasama sa palengke. Para matulungan siya sa pagbubuhat sa mga pinamili inaabangan ko siya sa may kanto,†salaysay ni Nato.
Mula ikaanim ng umaga hanggang alas diyes sila nagtitinda sa may Ortigas kaya’t kanya-kanyang gawain ang nakatoka sa mag-asawa.
Habang naghihintay si Nato sa kanto may dalawang lalaki ang lumapit sa kanya na kapwa lasing.
“Taga saan ka?†tanong ng mga ito.
“Sa dulo ako nakatira. Sa P. Conducto,†sagot ni Nato.
May isa pang dumating na lalaki na nakilala niya sa pangalang Aran. Bigla na lang nitong sinuntok si Nato at pinagtulungan na siyang bugbugin ng tatlong kalalakihan.
“Nasa trenta anyos na sila. Tumakbo ako sa loob ng tindahan nung hindi ko na kinaya ang mga suntok,†salaysay ni Nato.
Pilit siyang pinalalabas ng mag-asawang may-ari ng tindahan sa takot na madamay sa gulo.
“Labas dito para mag-usap tayo,†wika ng isang nagngangalang Alvin.
Sa pag-aakalang hindi na siya sasaktan ng mga ito at kakausapin lang at dahil na din sa pilit siyang pinaaalis ng may-ari ng tindahan, lumabas si Nato.
Binira agad siya ng suntok kaya’t siya’y napahiga. Pinagtulungan siyang muli ng tatlo.
“Sinakal ako ni Alvin. Sabi pa niya sa isang kasama na kunin ang baril niya sa bahay nila,†pahayag ni Nato.
Ang isang nakilala niya sa paÂngalang Ron-ron ay may hawak umanong kutsilyo na pilit itinatago sa likuran nito.
“Hindi ako lumaban dahil baka pag ginawa ko yun saksakin na lang ako,†ayon kay Nato.
Ilang sandali lang ang nakalipas dumating si Angelina. “Nato!†sigaw ni Angelina na naging dahilan ng pag-alis ng mga kalalakihang nambugbog.
“Yung damit niya punit-punit na at duguan,†pahayag ni Angelina.
Matapos ang nangyaring pambubugbog umuwi na ang mag-asawa.
“Nagtinda kami kahit bukol-bukol na siya. Sayang kasi ang kikitain namin tutal hanggang alas diyes lang naman kami dun,†wika ni Angelina.
Nang makauwi sila galing sa pagtitinda, pumunta na sila sa Brgy. Caniogan, Pasig para magpablotter.
Dinala si Nato sa ospital ng barangay upang masuri.
‘Abrasion, left wrist, right knee, nasal bridge; Contusion left forehead’ ito ang nakasaad sa kanyang medical certificate.
Ang mga kapitbahay nila ang nagbigay ng mga pangalan ng kalaÂlakihang nambugbog kay Nato dahil hindi nila ito kilala.
Nakumpirma naman ito nina Nato at Angelina nang iharap sa kanila ang tatlo.
Ika-20 ng Pebrero 2014 nang pagharapin sila sa barangay.
“Inamin nila na sila nga ang nambugbog sa akin nun. Humingi lang sila ng tawad isa-isa,†wika ni Nato.
Dagdag pa ni Nato matapos ang pambubugbog ay namaga ang kanyang lalamunan. Ilang linggo din ang kanyang hinintay bago tulungang naghilom ang kanyang mga pasa.
Gusto ni Nato na maparusahan ang mga taong nambugbog sa kanya lalo pa’t may dalang kutsilyo ang isa dito. Ito ang dahilan ng paglapit niya sa aming tanggapan.
Itinampok namin ang mag-asawang Nato at Angelina sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn).
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang medical certificate ang pagbabasehan kung anong kaso ang maaari mong maisampa sa mga lalaking nambugbog sa iyo. Nakalagay sa resulta na hindi lalagpas sa tatlong araw ang ‘healing period’ ng mga pinsalang natamo mo. Bumubundol ito sa sinasabi mo na ilang linggo kang nagpagaling.
Una mong kailangang gawin ay magpunta ka sa barangay at kumuha ng ‘minutes’ ng inyong paghaharap na inaamin nila ang pambubugbog. Pagkatapos ay humingi ka na rin ng ‘certificate to file action’ upang makapagsampa ka ng kaukulang kaso.
Kung pagbabasehan lamang ang medical certificate na iyong hawak, maaari kang magsampa ng kasong ‘Slight Physical Injuries’. Kung nagbalik ka sana sa doktor na umekÂsamin sa iyo at sinabi mong hindi ka gumaling sa loob ng tatlong araw maaaring dagdagan ang mga araw na paghilom na iyong natamo.
(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor City State Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.