Lampong (454)

INILABAS ni Dick ang mga buto ng uloy na nakuha niya sa puno.

“Ito ang nagpalakas kay Batutoy, Mulong.”

“Paano mo nalaman, Ninong?’’

“Ipinasuri ko sa isang chemist sa bayan. May sangkap daw ang mga butong ito na nakapagpapaluwag sa daloy ng dugo sa mga ugat.’’

“Aba pambihira ang buto na iyan.’’

“Pambihira talaga, Mulong. Akalain ba natin na ang puno na inaakala nating ang pakinabang lamang ay ang lilim, iyon pala’y malaki ang maitutulong sa mga may problema kay batutoy.’’

“Kung ganoon, Ninong, dapat pala ay magtanim tayo nang magtanim ng uloy. Baka dito tayo yumaman at maging milyonaryo.”

“Tumpak ka diyan, Mulong. Hindi lamang ang pagpaparami ng itik ang gagawin natin kundi pati na rin ang pagpaparami ng mga punong uloy. Imagine kung tayo ang magkakaroon nang malaking taniman ng uloy, baka tayo ang maging number one exporter nito. Bibilhin ng iba pang pharmaceutical company. Matatalo ang Viagra, kung ganoon.’’

“Pero kailangan bang ka­inin muna ng hayop gaya ng itik ang mga buto ng uloy para umepekto o puwede nang derektang kainin?”

Nag-isip si Dick. Paano nga? Bakit kailangan pang kainin ng itik at pagkatapos ay saka kakainin ng tao.

“Palagay ko dapat mag-eksperimento tayo, Mulong. Subukan kaya natin na kainin ang buto ng uloy. Siguro wala namang masama ano?”

“Sige Ninong, subukan natin. Kung ang mga itik ay wala namang nangyari matapos kainin e di ganundin sa tao yan.”

“Oo nga Ninong. Pero kung subukan kaya nating isangag na parang mani?”

“Puwede. Halika Mulong at kumuha tayo nang ma­raming buto ng uloy. Isasa­ngag natin na parang mani.”

Noon din ay nagtungo sa taniman ng uloy ang dalawa. Kumuha sila nang maraming buto ng uloy.

(Itutuloy)

 

Show comments