NOONG nakaraang May 13 elections, nagbabala ang Commission on Election (Comelec) sa mga kandidato na bawal ang sobrang paggastos sa kamÂpanya. Bawal din ang malalaking campaign maÂterials at dapat sumunod sa tamang sukat. Bawal din ang paglaÂlagay sa kung saan-saan ng mga campaign posters. Dapat ay sa mga designated areas lang ikabit o idikit ang mga tarpaulin at streamers. Ayon sa ComelecÂ, parurusahan ang mga lalabag. MadiÂdiskuwalipika ang mga kandidatong hindi susunod sa patakaran ng Comelec.
Anim na buwan na ang nakalilipas mula nang idaos ang election pero hanggang ngayon, wala pang napaparusahan sa mga kandidatong sobra-sobra ang ginastos sa kampanya. Pinaka-malaki ang ginastos sa TV ad. Wala ring naparusahan sa mga malalaking sukat ng campaign posters. Wala ring naparusahan sa mga hindi sumunod sa paglalagay ng posters sa designated campaign areas.
Tanong: Mayroon pa bang naniniwala sa Comelec? Totoo ba ang kanilang mga banta o nagsasalita lang sila para lang masabi na may ginagawa sila?
Ngayong barangay election, muli na namang nagÂpaalala ang Comelec sa mga kandidato. Huwag gagastos nang sobra sa kampanya. Huwag lalampas sa itinakdang sukat ang campaign materials. Huwag magdidikit o magkakabit ng election posters sa mga bawal na lugar.
Halos walang ipinagkaiba ang babala o paalala noong nakaraang May 13 elections. Pero sinusunod ba sila ng mga kandidato sa barangay?
Bago pa magsimula ang kampanya, marami nang nakadikit na posters sa kung saan-saang lugar. Maski ang mga pader na malapit sa school ay natadtad ng posters. Dikit dito, dikit doon ang ginawa ng mga kandidato. Malalaki ang posters na halatang lampas sa takdang laki. At sa dami ng campaign materials, halatang-halata na sobra-sobra sila sa gastos.
Sinusunod pa ba ang Comelec? Tsk-tsk-tsk! Kailan magkakaroon ng ngipin ang Comelec?