Lampong (337)

KINABUKASAN, masinsinang kinausap ni Dick si Jinky. Humingi siya ng tawad sa nangyari kagabi.

“Ano bang nangyayari sa’yo Dick? May sakit ka ba?”

“Wala akong sakit, Jinky.”

“Ang alam kong hindi tinatayuan ay yung may diabetes. Diabetic ka ba Dick?”

“Hindi. Wala sa lahi namin­ ang diabetic. Pero bakit ganyan ang nangyayari sa’yo, Dick?’’

“Hindi ko nga alam, Jinky.’’

“Baka naman nagkasakit ka ng STD o syphilis. Kapag daw nagka-STD ay hindi na tinatayuan.”

“Hindi, Jinky. Mga mali­linis na babae ang nakarelasyon ko. Marami akong nakare­lasyon pero pawang malinis sila. Wala silang sakit.’’

Napabuntunghininga si Jinky. Malalim.

“Baka pagod lang ako, Jinky. Mas maganda siguro ay magbakasyon muna tayo.”

“Sige kung yan ang makakatulong sa problema mo. Saan naman tayo magbabakasyon?”

“Sa Puerto Galera.’’

“Sige. Mga gaano tayo ka­tagal doon?”

“Mga isang linggo tayo roon.”

“Iiwan muna natin kay Mulong at Tina ang itikan at iba pa nating negosyo?”

“Oo. Alam na naman nilang patakbuhin. Hayaan muna natin­ ang trabahong ito.’’

Nagbakasyon sila sa Puerto Galera. Maganda ang lugar. Sa isang hotel sila tumuloy. Mula sa hotel ay tanaw ang asul na dagat.

“Ipakikita ko sa’yo na ma­tikas pa rin ako, Jinky.”

“Ipakita mo sa gawa at hindi sa salita.’’

Ginawa ni Dick. Sa umpisa ay maganda ang pagha­hamok. Nasisiyahan si Dick. Talaga lang sigurong pagod at stressed siya. Pero nang isasagupa na, biglang lumu­ngayngay ang mandirigma. Parang naubusan ng hangin at wala nang lakas.

Pahiya si Dick.

Hindi na nila tinapos ang bakasyon sa Puerto Galera. Umuwi na lang sila.

Problemado si Dick. Kinunsulta niya ang kapatid sa Australia.

“May alam ka bang gamot­ para hindi lumu­ngayngay, Kuya?”

“Kumain ka ng talaba. Yung sariwa.”

(Itutuloy)

Show comments