TAKOT na takot ang mga nurse sa Irisvale Clinic sa Zimbabwe. Sinalakay umano ng goblins ang kanilang pi-naglilingkurang ospital. Ang mga goblins umano ay noon pang Nobyembre nakita at hanggang ngayon ay nasa ospital pa. Apat na nurses na ang natakot at hindi na bumalik sa trabaho. Marami pa raw balak umalis dahil sa takot sa goblins.
Ang goblins ay mga maliliit na tao (dwarf) na pangit ang itsura. Umano’y mga kampon ng demonyo ang creatures na ito.
Pero mariing sinabi ng pamunuan ng ospital na walang goblins doon. Pati ang mga residente ng Irisvale ay nagsabing walang goblins sa lugar.
Noong nakaraang Pebrero 2012, maraming estudyante sa isang school ang pinauwi sapagkat maraming goblins na nakita.
Ang matinding pagsalakay umano ng goblins ay noong Hulyo 2012. Isang village sa Zimbabwe ang sina-lakay ng goblins at pawang mga babae ang biniktima. Umano’y nagising na lamang ang mga babae sa village na wala nang panty. Hinubaran umano sila ng goblins habang natutulog.