5 minero na-trap sa tunnel, patay

MANILA, Philippines — Limang minero ang natagpuang patay sa loob ng isang tunnel sa Barangay Runruno, Quezon Nueva Vizcaya, kahapon ng umaga.
Kinilala ang nasawing biktima na sina Daniel Segundo Paggana, 47; Lipihon Ayudan y Bumulyad, 56; Florencio Indopia y Napudo, 63, pawang mga residente ng Barangay Runruno; Alfred Bilibli y Dulnuan; at Joval Bantiyan, kapwa residente ng Barangay Cabuan, Maddela, Quirino.
Sa salaysay ng isang nagngangalang Russel Tumapang, 29, residente ng Barangay Runruno ang nakadiskubre sa walang buhay na katawan ng mga biktima matapos pumasok sa loob ng tunnel sa sitio Compound, ala-1:00 ng madaling araw.
Ayon pa sa imbestigasyon, ang mga illigal miners ay posibleng nawalan ng oxygen matapos madiskubre ang kanilang mga bangkay sa may 300 metro na lalim ng isang makipot na tunnel.
Kasalukuyan ang isinasagawang retrieval operations sa bangkay ng mga biktima nang pinagsanib na pwersa ng mga otoridad.
- Latest